“Ano ba ang ginagawa niya rito?” Hindi niya malaman kung alin sa mga emosyon ang mas namamayani- kilig, kaba, takot. Tinotoo nga nito ang sinabing pupuntahan siya at tama ang sinabi ni Levy, a deadly lion was within the vicinity. Habang papalapit ay hindi nito hinihiwalay sa kanya ang matiim na mga titig na tila kakainin siya ng buhay. ‘Yong titig na hindi niya malaman kung galit. Basta iisa lang ang alam niya, her heart pounded so fast. Its beating was so uncontrollable na kahit ang kamay na may hawak na ballpen ay nanginginig at namamawis. Oh, dear God. Bakit ganito kung makatitig ang isang ito? Parang sinusuri ang buo niyang pagkatao, parang hinahalukay ang kanyang sikmura at pinangangatog ang kanyang mga tuhod. And he was intently looking at her like the universe only existed for the

