ARIARA ISLAND. Nangibabaw ang masasayang halakhak ng mga batang naghahabulan sa dalampasigan. It was almost sunset. Ang mga galaw na natatanaw niya sa tabing dagat ay tila magandang contrast sa nalalapit nang pag-o-orange ng paligid. “Monte, hold your sister!" pasigaw na utos ni Isabella sa panganay nito na nakikipaghabulan sa bunso nitong kapatid. “Liya, dahan-dahan sa pagtakbo.” His eyes shifted to his wife. Karga-karga nito sa isang bisig ang isa sa kambal nila habang sinusundan ang anak nilang si Liya. Hindi pa ito marunong lumangoy kaya aligaga ang asawa niya. Nasa kandungan niya naman ang isa sa kambal habang si Apollo ay gumagawa ng sand castle sa malapit. “Kuya Monte!” The sight of his daughter running towards Monte was a bit alarming. Bata pa lang ang anak niya pero mukhang
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


