“You look pretty, Isabella.” Tinitigan niya mula sa salamin ang ina niya at nginitian nang matamis. “Thanks, Mom.” Pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan sa salamin. She was wearing a red dress. Pinatungan niya lang ng mahabang sweater. Hindi naman kasi nababagay sa pupuntahan ang suot niya. Nakakatawag-pansin. Ang buhok niya ay hinayaan niya lang na nakalugay. “Andiyan na ang driver mo.” Napangiti niyang pinulot ang purse. Tsaka isinuot ang four-inch heeled shoes. Kaagapay niya ang ina sa pagbaba sa hagdanan. “Mom, para naman akong teenager sa ginagawa mo. It’s not my first time dating.” “Can’t help it. Excited lang ako.” “I am too, Mommy.” Bahagya siyang yumukod upang abutin ang pisngi ng anak. Pansamantala nitong binitiwan ang kahit na laruang gawa mismo ni Hugo. That toy has b

