Ito ang araw na higit na pinananabikan ni Hugo. Not because he will be freed, but because more than a year ago, Isabella promised him something. Isang napakagandang pangako na ginagawa niyang inspirasyon sa bawat araw na naririto siya. Tahimik lang siyang nakahiga sa kanyang higaan. Nakapatong sa noo kaliwang braso, nasa ibabaw naman ng dibdib ang kanang kamay. Dama niya ang malakas na pagkalabog ng kanyang dibdib. He looked so normal pero naninikip ang kaloob-looban niya. Laging ganito ang pakiramdam niya simula noong araw na una siyang dalawin ni Isabella. Something she said made him look forward to this day. Markado ang kalendaryo niya sa pagdating ng araw na ito. Para siyang bata na naghihintay sa pagdalaw ni Santa. He is beyond excitement. “Bossing, yosi?” Umiling lang siya sa alo

