“Ouch!” Namilipit si Eman sa tindi ng kirot na nararamdaman niya. Paano ay nabunggo ang kanang paa niya ng robot toy ng anak niya. May playroom sa bahay ngunit mas gusto ng mga anak niya ang naglalaro sa sala o ‘di kaya ay sa patio. “Daddy!” Dagling nawala ang sakit sa kanyang paa oras na narinig ang maliit na boses ng anak niyang si Apollo. Mabilis itong nagtatakbo palapit sa sa kanya, nakadipa kaagad ang mga braso. Lumuhod siya upang magpantay sila ng anak. His son is a carbon copy of him. Mata lang yata ni Lara ang nakuha nito. Kaagad niya itong kinarga at pinupog ng halik. “Did you miss Daddy?” “Very much!” Kahit mag-aapat na taon pa lang ang isang ito ay matatas nang magsalita. Hindi kasi uso ang baby talk sa asawa niya. “Hi, Daddy!” Napalingon siya sa anak niyang si Liya. In

