“Lara! Lara!” Parang baliw na tinalunton ni Eman ang hagdanan ng beach house na kinaroroonan. Kagigising niya lang at ang asawa kaagad ang hinanap niya. Lara wasn’t on her side of the bed. Kaninang madaling araw lang ay nakayapos ito sa kanya nang matapos sila. “Lara, Sweetheart!” Nasaan na ba siya? Palinga-linga siya sa paligid. Maliban sa malawak na dagat at puting dalampasigan ay ang mga halaman sa isla ang nakikita niya. Nakadaong pa rin ang Jet Ski nila sa dock. Hinalughog niya ang villa na kinaroroonan. Baka naliligo sa infinity pool. Peo wala ito roon. Sinubukan niyang tingnan sa main lodge na kunektado sa mismong pathway na kaharap ng dock. "Where could she be?" Shit! Abot-langit na ang kaba niya. Para siyang mababaliw na sa paggising niya na wala na sa tabi niya ang asawa. P

