Rossa’s POV Maaga akong nagising kinaumagahan. Kumain lang ako ng kaunti saka naligo at nagbihis na. Pinili ko ang puting dress at kulay itim na floppy hat at itim ding shades. Magsusuot din ako ng face mask para wala talagang makakilala sa akin kung sakali. “O? Aalis ka na ba, Hija?” pansin sa akin ni Tita Barbara noong lumabas na ako ng kuwarto. Maging si Oswald pala ay nakabihis na rin. Napagkasunduan naming sasamahan niya akong magmasid doon sa libing pero talagang doon lang kami sa malayo. “Opo, tita. Okay lang po ba itong suot ko?” tanong ko pa sa kaniya. Sinipat naman niya ako mula ulo hanggang paa saka tumango. “Okay naman. Kahit anong isuot mo talagang magada ka, Hija,” papuri naman niya. “Of course, tita! Kaya nga sobrang inlababo si Mr. Romano Almeda diyan!” biglang pakik

