“Attorney! Good afternoon,” bati ko agad sa kaniya at nakipagkamay pa siya sa akin. Si Attorney Sandoval ay halos kaedad lang din ni Daddy. Nauna lang yata ng isa o dalawang taon ang Daddy ko. “Good afternoon, Romano,” tugon naman niya at naupo na rin. “Attorney, I believe, there is a document I need from you. Hindi ako sigurado kung ano iyon, pero puwede mo bang ipaliwanag?” tanong ko agad sa kaniya. Ngunit nagulat ako ng hindi siya magsalita at maglabas ng papel. May sinulat siya roon saka ipinakita sa akin. Are you sure it’s safe to talk here? Your office might be bugged. Iyon ang nakasulat sa papel. “Hindi naman masiyadong importante. It’s just about one asset that I want to discuss with you,” kunwa’y sabi niya habang binabasa ko ang sinulat niya sa papel. “Oh, if it’s a lan

