Romano’s POV “Bakit ang tagal mo, Kuya? Tumae ka pa ba?” nakasimangot na tanong ni Zia. Pero natawa ako sa kaniya kaya nanlaki naman ang mga mata niya. Ilang beses pa siyang kumurap at hindi makapaniwalang tumitig sa akin. “Wow! Nakakatawa ka na, Kuya! May good news ba at biglang naging masaya yata ang awra mo?” gulat pa niyang tanong. Ngunit ako ay nanatiling nakangiti. Hindi ko lang mapigilan. “Let’s say ‘yes’. May natanggap akong good news,” sagot ko at umandar na ang sinasakyan namin. “Sir, saan po tayo?” tanong ni Kobe. “Sa opisina. Mayroon akong kailangang harapin doon,” seryosong sagot ko. Magkakaroon ng board meeting at ni hindi man lang ako sinabihan. Maging si Rommy ay tumawag sa akin kanina at kinumpirmang magkakaroon nga ng meeting na iyon. Kung anuman ang binabalak ni Mom

