“Finally! My eldest is already here!” anunsyo ng isang matanda. Katabi ito ng Mommy ni Romano, at base sa hitsura niya ay mukhang ito ang Daddy ni Romano. Malaki kasi ang pagkakahawig nilang dalawa. Natuon lalo ang pansin ng lahat sa amin at mas nadagdagan ang kabang nararamdaman ko. Maluwang naman ang ngiti ni Romano nang lumapit kami sa kinaroroonan ng mga magulang niya. “Good evening, Dad! Hi, Mom!” bati ni Romano sa mga magulang. Tumango lang ang Daddy niya ngunit sa akin nakatingin. Humalik naman siya sa pisngi ng Mommy niya. “Good evening po, Ma’am and Sir,” kinakabahang bati ko naman sa kanila. Tumaas ang kilay ng Daddy ni Romano at nasundan pa ng mahinang pagtawa. “Sir? You are my son’s wife. You should be calling us Mommy and Daddy already. Hindi ba iyan nasabi ng anak ko? Pag

