Parang biglang nag-slow motion ang lahat. Tila ba wala na akong ibang nakikita kung hindi ang guwapong mukha ni Romano habang katabi ang kapatid nito na ngayon ay umiiyak na sa sobrang saya. Zia accepted the bouquet from her brother, and she hugged him tight – still in tears. Habang ako ay patuloy na dinarama ang mabilis na t***k ng puso ko habang nakatitig kay Romano. Sa lalaking hindi ko akalaing magpapatibok ng kakaiba sa puso ko. I swear, minahal ko rin ng totoo si Austin. Sa maraming taon na pinagsamahan namin, siya lang ang naging sentro ng buhay at mga pangarap ko para sa sarili. Pero kailanman, hindi ko naramdaman ang ganito. Hindi ko naramdaman sa kaniya ang kakaibang kilig at pintig ng puso na nararamdaman ko para kay Romano. With just that moment, I fell in love with him. At

