“Anong nangyayari rito?” seryosong tanong ni Papa. Agad namang nabaling sa kaniya ang tingin ni Austin. Isang masamang tingin pa ulit ang ipinukol niya kay Romano bago sumagot kay Papa. “Tito, siya ba ang sinasabi ni’yong pinakasalan ni Rossa? Mamamatay tao ang lalaking iyan! Siya ang pumatay sa pinsan kong si Ate Josephine!” walang prenong sumbong ni Austin kay Papa. Nanlaki naman ang mga mata ng mga magulang ko at sabay na nilingon si Romano na madilim ang mukha. Ngunit nang tumingin siya sa akin ay bahagyang lumambot ang ekspresyon niya. “Totoo ba ang sinasabi niya, Romano?” natanong ni Papa sa kaniya. Napalunok naman ako nang pairap na nagbaba ng tingin si Romano saka marahas na nagbuga ng hangin. Nang muli siyang mag-angat ng mukha ay diretso na siyang tumingin kay Papa. “Hindi p

