“Hindi na nga kailangan, Romano. Isa pa, hindi mo naman ako kailangang bilhan ng regalo kasi–” “But I insist! Let’s go!” Hinawakan niya ang kamay ko at hinila na ako papasok sa isang stall ng mga branded apparels. Mayroon namang lumapit sa amin na dalawang saleslady at tinanong agad kung papaano nila kami matutulungan. Marahas naman akong bumuntong-hininga. “Ma’am, you can choose any types of clothing style in our shop,” masayang sabi pa sa akin noong isa. Iyong kasama naman niya ay panay ang malalagkit na tingin kay Romano. Ngunit hindi naman ito pinapansin ni Romano. Sarap dukutin ng mga mata niya, ha? Harap-harapan ba namang magpakita ng pagkagusto niya sa asawa ko, nakakairita! “I think the dresses are good on you,” nakangiting baling sa akin ni Romano. Hinila niya ako palapit doo

