"ATE!" Napangiti ako ng marinig ang mga sigawan ng bata nang makita akong paparating. Ito lang ang lugar na nakakatiyak akong magpapagaan ng aking loob kahit papaano. "Magandang umaga, Ma'am Astrid!" Bati ng mga madre sa akin. "Magandang umaga rin po." Bati ko pabalik bago inasikaso ang mga bata. I bought a Jollibee, at nagustuhan nila iyon. Bumili rin ako ng mga laruan sa mga bata at damit sa mga may nagbibinata at nagdadalaga na. Hindi nila ako tinantanan hanggang sa hindi ako pumayag na makiglaro sa kanila. "Shige na pow, Ma… ma Astrid!" Pagmamaktol ng pinakabata nila. Kinurot ko ang tambok niyang pisnge bago tumayo kaagad naman sila humiyaw lahat. Naglaro kami at ako kaagad ang kanilang ginawang taya. Hanggang sa mapagod sila at napagdesisyonan na ng mga madre na patulugin

