NYX ARIANE'S POV Nakagat ko ang ibabang labi nang tumalikod si Vodie para tignan kung sinong bisita. Napahawak ako sa mukha ko dahil nararamdaman kong nag-iinit ang pisngi ko. "Ano ba, Nyx! Stop smiling. Baka isipin pa ng lalaking 'yun gustong gusto mo yung mga halik nya!" saway ko sa sarili ko. Pag nakita ako ni Trish na ganito, baka mabatukan ako ng babaeng yun. Tsk! Luminga ako nang ilang minuto na ay hindi parin bumabalik si Vodie. "Sino kayang bisita?" nagpasya akong sundan sya pero nabigla ako nang makita kung sino yung dumating. Si George, ang sekretarya nito. Agad na nag-init ang ulo ko nang maalala ang huli naming pagkikita. Hanggang dito ba naman nakabuntot parin sya kay Vodie? "Thanks, George. Naka-leave kasi yung driver ko kaya walang kukuha nito. I really need to finish

