NYX ARIANE'S POV Hinawakan nya ang kamay ko habang palabas kami ng bahay nina Trish. Hindi ko na naman maipaliwanag ang nararamdaman ko. At mas lalong hindi ko maintindihan kung anong ibig sabihin ng mga ikinikilos nya. Was it just a part of our deal? I hope it's not. Hindi naman sa umaasa akong may iba pa syang dahilan sa mga ikinikilos nya. It's just that.. I really want it at ayokong pagsisihan lahat ng ito sa bandang huli. Tahimik lang kami hanggang sa makapasok sa kotse nya. Napapansin kong madalas nya kong sinusulyapan kaya hindi ko maiwasang hindi uminit ang pisngi. Biglang tumunog ang cellphone nito. Agad naman nyang sinagot iyon habang inilalabas ang kotse sa parking ng bahay nina Trish. "No, 'My.. I'm out. Yes, she's with me." rinig kong sabi nito sa kausap at sumulyap ng baha

