Chapter 19
Nandito kami sa ospital kung saan naka admit si Carding na isa sa naging target ng suspect. 4 days siyang nacomatose, nung isang araw pa siya gising at ngayon lang namin siya pinuntahan dahil sa tambak na kasong iniimbestigahan namin.
So far wala pa kaming lead ng suspect or the mastermind. Pero sana may maitulong sa amin itong si Carding.
Maayos na ang lagay ni Carding. Nakakapagsalita na siya ng maayos hindi gaya nung araw na nagising siya.
Hindi ko parin talaga alam kung bakit palagi nalang akong sinasama ni Chief kay Kier. Ang sabi niya dahil daw bago palang si Kier dito kaya kailangan ko siyang samahan.
'Di ba niya alam na dito na lumaki si Kier? Pakiramdam ko kinukontyaba ako ng dalawa.
Ayoko na silang kwestyunin dahil gusto ko rin namang tumulong dito. Hindi din naman ito ang unang beses na sumama sa mga imbestigasyon na ganito.
Pagpasok palang namin sa kwarto kung saan naka admit si Carding ay kita ko na ang takot sa mukha niya.
"Sino kayo? Anong kailangan niyo sa akin?" Kabadong sambit niya sa amin.
Ipinakita ni Kier ang kanyang badge at nagpakilala.
"Nandito kami para humingi ng tulong sayo para mahanap kung sino ang gumawa sa iyo nito at sa mga kaibigan mo." Sambit ni Kier. Kita ko ang lungkot sa mga mata niya.
"Wala akong alam. Hindi ko kilala kung sino sila." Sambit ni Carding. Halata sa itsura nito na nagsisinungaling siya. Marahil ay natatakot siya sa maaaring mangyari kapag nakarating sa mga gumawa sakanya nito na nagsalita siya.
"Natatakot ka bang balikan ka nila?" Pagsingit ko sa usapan nila. Tinitigan ko siya sa kanyang mata at tinignan niya lang ako sa mata ng matalim.
Hindi siya nakasagot. Marahil ay tama ako.
"Kung tutulungan mo kami ay matutulungan ka rin namin." Sambit ni Kier.
Nakita ko ang pagginhawa sa mukha ni Carding. Ngunit pansin ko rin na hindi siya naniniwala sa sinabi ni Kier.
"Ha! Paano? Alam niyo ba kung gaano sila kalakas?" Di makapaniwalang sambit ni Carding.
"Hindi. Pero alam din ba nila, kung gaano kalakas ang pwersa naming may hawak sa batas?" Sambit ko. Tinignan niya lang ako at tumingin ulit kay Detective.
"Matutulungan ka namin. Ilalagay ka namin sa isang armadong lugar habang tinutulungan mo kami sa imbestigasyon. Poprotektahan din namin ang pamilya mo." Sambit ni Kier.
Nakita ko ang panlalambot niya ng marinig ang salitang pamilya mula kay Kier.
"Kapag hindi ka nagsalita, hindi lang ikaw ang babalikan nila. Maaaring madamay sila sa plano nila." Sambit ni Kier.
"Hindi pwede!! Poprotektahan ko ang pamilya ko!" Sambit ni Carding.
"Kapag tinulungan mo kami. Lahat ng mahal mo sa buhay ay poprotektahan namin." Mahinahong sambit ni Kier.
"Paano? Isasama niyo sila sa akin? Gusto ko parin silang mamuhay ng normal. Ayokong malaman nila at maranasan nila ang miserableng buhay na naranasan ko." Malungkot na sambit ni Carding.
"Hindi. Padadalhan namin sila ng mga pulis na magbabantay sakanila sa lahat ng oras. Pero, ang mga pulis na ito ay hindi nila nakikita, kung kaya't magiging normal parin at malaya ang kilos nila." Pagpapaliwanag ni Kier.
Napasang ayon namin si Carding. Talaga nga namang lumalambot ang mga tao kapag pamilya na ang usapan.
"Nasilaw ako sa pera." Sambit ni Carding na ikinagulat namin.
Kinuha ko agad ang aking dalang notebook para sa mahalagang masasabi ni Carding na makakatulong sa pagiimbestiga.
"Nakita niyo naman siguro kung gaano kahirap ang pamumuhay namin." Sambit niya at napayuko.
"Nasa isang inuman kami noon. Kasama ko si Leo at si Jovan. Nang medyo natamaan na kami ng alak ay nagulat kami ng maglabas ang kasama namin ng droga. Tumanggi kami dahil alam namin na labag sa batas yun. Hindi niya kami pinilit. Pero may sinabi siya sa amin na dahilan para mapasok kami sa trabaho ng pagtutulak ng ibat ibang klase ng droga." Sambit niya.
"Anong sinabi niya?" Tanong ni Kier ng tumigil sa pagsasalita si Carding.
"Sinabi niya sa amin na malaki ang perang makukuha sa pagtutulak. Nung una tinanggihan niya kami. Pero nung sinabi niya ang halaga ng pera na makukuha ay para kaming nabulag. Nawala sa isip namin kung ano ang tama sa mali. Ang tanging naisip lang namin ay ang kapakanan ng pamilya namin. Pagod na kaming maghirap. Hindi naman kami makahanap ng trabaho dahil hindi kami nakapagtapos. Kung meron man e kinukulang para sa pang araw araw.
Sumama kami sakanya. Hindi namin alam na wala na palang atrasan kapag naumpisahan na. Madami kaming napagbentahan. Mapa bata man o matanda." Sambit niya sa amin.
"Pwede ko bang malaman kung sino ang puno't dulo ng lahat ng ito?" Sambit ni Kier.
"Si Joel. Kaso, matagal na siyang patay. Napatay siya ng manlaban siya sa mga pulis." Sambit ni Carding.
"Eh sino naman ang nagbibigay ng droga at naguutos sainyo sa mga transaksyon?" Tanong ni Kier.
"Joseph Beckett. Foreigner siya. Sila ang nagdadala dito sa pilipinas ng mga droga. Mayroon silang Warehouse malapit sa Pier. Doon kami kumukuha at nagbibigay ng pera." Sambit ni Carding.
Sinulat ko agad ang pangalan. Pero hindi iyon ang lead namin.
"Kilala mo ba kung sino ang gumawa nito sainyo?" Pagsingit ko sa usapan nila.
"Hindi ako sigurado. Pakiramdam ko ang kapatid ni Joseph ang gumawa nito sa amin. Dahil nag aagawan sila ng pwesto sa larangan na ito. Palaging umaangat si Joseph kumpara kay Justine. Kaya lagi silang napapaburan ng nasa pinakamataas na tinatawag nilang Bossing. Hindi ko pa nakikita o nakikilala si Bossing pero marami na akong naririnig tungkol sakanila. Pilipino siya. Pero hindi siya nakatira dito dahil nga mainit siya sa mga opisyal." Sambit ni Carding.
I expected this.
"May alam ka ba kung nasaan nagtatago si Justine?" Tanong ni Kier.
"Ayun ho ang hindi ko alam dahil ang supplier lamang namin ay si Joseph." Sambit ni Carding.
Akmang magtatanong pa sana si Kier ng may biglang kumatok sa pintuan. Binuksan ko nalang ito at inuluwa ng pinto ang isang nurse.
"Sorry to interrupt. Pero kailangan na po kasing magpahinga ng pasyente." Sambit nito.
Tumango nalang kami at nagpasalamat kay Carding bago umalis.
Gaya ng nakasanayan tahimik lang kami ni Kier papunta sa basement. Babalik rin kami ng headquarters kung kaya't iisang sasakyan lang ang dinala namin.
Ni isa walang nagsasalita. Sa totoo lang, nahihiya parin ako sa nangyari nung nakaraang linggo. Mabuti nalang at naging busy ako kaya hindi ko masyadong napapansin si Kier.
Nang makarating sa HQ ay may napansin akong hindi pamilyar na sasakyan sa pinarkingan namin. Baka may bisita sa loob.
Laking gulat ko ng may magandang babaeng sumalubong kay Kier at niyakap siya ng mahigpit.
"Hi baby! Miss me?" Sabi ng babae gamit ang malambing na boses.
Nagmadali akong lumayo sakanila dahil ayokong marinig kung ano man ang paguusapan nila.
Dumiretso ako sa laboratory at naglock ng pinto. Napaupo nalang ako sa sahig dahil sa pagsikip ng dibdib ko.
Bakit ang sakit parin? Akala ko ba tanggap ko na?
Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako dahil sa sakit. Bakit ba hindi parin kita makalimutan? Bakit ba ikaw parin? Puta bakit ha? Hanggang kelan to?
Nahihirapan akong huminga parang gusto kong magwala. Pakiramdam ko inaatake nanaman ako ng panic attacks ko. Okay na ako diba? Hindi na ako umiinom ng anti depressant. Bakit pakiramdam ko biglang bumalik? Bakit parang gusto ko nalang mawala sa mundo?
Napatayo nalang ako bigla at napansing kumukuha ng baril mula sa drawer.
Ikinasa ko ito at akmang itututok sa aking ulo ng biglang may sumipa ng pinto dahilan para mapatalon ako sa gulat at mabitawan ang baril.
Napaluhod nalang ako at humagulgol. Naramdaman ko ang mainit na katawang pumalupot sa akin at marahang hinagod ang likod ko.
"Shh, it's okay. I'm here now." Sambit sa akin ng pamilyar na boses na nagdala ng comfort sa aking sistema.
Ibinuhos ko ang lahat ng sakit na akala ko nawala na. Akala ko nawala na e. Andito pa pala. Sariwang sariwa.
Hinarap ko ang taong yumakap sa akin at kita ko ang pag aalala sa kanyang mukha.
"I'm sorry. Hindi ko alam kung bakit at paano niya nalaman kung nasaan ako. Hindi na mauulit. Please, don't think of ending your life again." Sambit niya sa akin. Nanghihina ako lalo sa boses niya.
Mahal ko siya pero ayoko na maging miserable ulit ang buhay ko.
"Leave." Sambit ko at kita ko ang gulat sa kanyang mukha.
Hindi siya umalis at hinawakan lamang ang aking kamay. Pinalis ko ito at tinignan siya ng masama.
"I said leave!!!" Sambit ko at marahan lang siyang tumango. Pinulot niya ang baril na nalaglag sa sahig at nagaalalang tingin sa akin bago umalis.
Wala pang ilang segundo ay bigla ulit pumasok sa pintuan.
Nagmadali itong lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit.
"No. No. I won't leave. I can't bear seeing you like this again. It's f*****g killing me. Please let me stay like this. Please." Sambit niya at hinayaan ko lang siyang yakapin ako hanggang sa matunaw ang pader na nakapagitan sa aming dalawa.
TO BE CONTINUED.....
__________
Salamat sa pagbabasa!
Stay tuned!