Chapter 18
Sa 6 taong nawala siya sa tabi ko ay natanggap ko na pero nang magpakita ulit siya parang nag back to zero lahat.
Kasama namin ngayon si Kier para sa investigation papunta sa pamilya ng biktima.
Parang squatter's area ang tirahan ng biktima. Nagtanong tanong kami sa mga tao kung saan nakatira ang biktima na si Mr. Santos.
Hindi ako makapagisip ng maayos dahil sa presensya ni Kier sa tabi ko. Hindi ko alam pero parang nabubuhay ang sakit sa puso ko sa tuwing nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin.
"Misis, pasensya na po sa nangyari sa anak niyo. Nandito po kami para magimbestiga at mahanapan ng hustisya ang pagkamatay niya. Malaki po ang maaaring maitulong ninyo sa amin. Dahil, kayo po ang madalas na nakakasama ng biktima, hindi po ba?" Mahinahong sambit ko sa ina ng biktima.
"Ang anak ko po kasi... Palagi pong wala dito sa bahay. Tuwing madaling araw po ang uwi niya. Ang sabi niya sa amin ay may mahalaga siyang tinatrabaho. Hindi naman namin alam kung ano yun. Pero malalaki ang pera na inuuwi niya dito sa amin." Paliwanag ng biktima.
Sigurado ako na droga ang dahilan nito. May nakita kasi kaming pakete ng droga sa bag na dala ng biktima pero di ko maaaring sabihin ito sa nanay niya. Sigurado akong ipagtatanggol niya ito.
"May kilala po ba kayong may galit sakanya? O kaaway niya?" Nagulat ako ng biglang magsalita si Kier sa tabi ko.
"Nako, walang kaaway ang anak ko. Mabait na bata yon. Siya ang nagpapaaral sa mga kapatid niya. At madaming kaibigan dito sa aming lugar. Kaya hindi ko alam kung anong klaseng hayop ang pumatay sa anak ko" Sambit ng ginang.
"Ganun po ba? Kilala niyo po ba kung sino laging kasama ng anak niyo?" Tanong ko sa ginang. Marahil may alam ang mga kaibigan ng biktima.
"Ah! Oo, si Carding! Doon sa kabilang kanto. Umaga palang ay tinatawag na niya dito ang anak ko para daw sa trabaho nila." Sambit ng ginang.
"Ahh sige po. Maraming salamat po. Babalik po kami kapag may balita na po kami sa anak niyo." Sambit ng kasama ko at umalis na kami.
Hindi ko alam kung bakit pinasama ako ni chief kay Kier. Hindi naman dito ang field ko. Ang gawain ko lang ay mag imbestiga ng mga ebidensya. Imbis na naghahanap ako ng lead, andito ako kasama tong lalaking to.
"Bakit ba pinasama ako ni Chief sayo?" Sambit ko sakanya.
"Kailangan ko daw kasi ng kasama incase na may mahanap na ebidensya."
"Dapat naghahanap na ako ng lead sa hq e." Sambit ko.
"Edi kay Chief ka magreklamo." Masungit na sambit niya.
Kita mo to. Bipolar. Parang kahapon pumasok pa siya sa laboratory para istorbohin ginagawa ko tapos ngayon sinusungitan ako? Teka bat ko ba kinakausap to? Di bale trabaho naman tinanong ko. Nothing personal.
Agad kaming nagulantang ng makarinig kami ng malakas na tunog na parang putok ng baril. Agad kaming sinalubong ng mga nagtatakbuhang tao.
"Kuya! Kuya! Anong nangyari?" Sambit ko sa lalaking papadaan sa tabi namin.
"May pinatay! Doon! Si Carding!" Sambit nung lalaki at kumaripas ng takbo.
Shit! Yung lead namin!
"Chief! Sos! We need backup! " narinig kong sigaw ni Kier sa kanyang telepono.
Hindi kami agad nagpunta sa pinangyarihan ng krimen dahil kulang kami sa depensa.
Malaki ang tyansa na baka marami sila doon. Kaya kailangan namin ng dagdag na kasama.
Nang marinig namin ang sirena mula sa paparating na sasakyan ay nagpunta na kami ni Kier sa pinagmulan ng putok.
Nakita namin ang dalawang lalaking nakahandusay sa sahig na halatang tadtad ng bala.
Mabuti nalang ay nadala ko ang mga gamit ko sa paghahanap ng ebidensya.
Nilapitan ko ang mga biktima at tinignan kung buhay pa.
Naramdaman ko ang pulso ng isang biktima kaya agad na tinawag ko ang medic para agad na maidala sa ospital at magamot.
Ang isa naman ay patay na. Agad akong naghanap ng maaaring maging ebidensya.
May nakita akong bala sa sahig. Isinuot ko ang aking gloves at pinulot ang bala saka ito sinuri.
"Detective." Tawag ko sa kasama ko na sinusuri din ang biktima. Lumapit agad siya sa akin na parang nagtatanong kung bakit.
"Parehas ang bala na ito sa bala na natagpuan natin kay Mr. Santos. Posibleng iisa lang ang suspect at nagpunta siya dahil siguradong may alam ang mga taong binaril niya." Sambit ko sakaniya.
"Posible nga." Sambit niya at bumalik na sa kanyang tinatrabaho
Tinawagan ko ang medic upang malaman kung naisalba ba ang biktima.
"Hello, doktora? Kamusta na ang biktima?" Tanong ko. Kailangan niyang mabuhay. Malaki ang maitutulong niya sa amin.
Pinakamahirap talagang kalabanin na criminal ay ang mga sindikato na nagpapatakbo ng malaking negosyo sa droga. Malakas ang depensa nila dahil nabubulag nila sa pera ang mga tao.
"He's in the ICU right now. Kritikal ang lagay niya ng dinala siya dito. Maraming nabawas na dugo sakanya. Mabuti nalang ay naagapan agad siya. Ang problema lang ay comatose siya ngayon dahil sa 3 beses na pagbaril na natamo niya. Hinihintay pa namin kung magigising pa ba siya o hindi na." Sambit sa akin ni doktora.
"Maraming salamat po. Sana maagapan siya malaki po ang maitutulong niya sa amin." Sambit ko at ibinaba na ang linya.
Dinagdagan na din ang seguridad sa ospital kung saan naka admit ang biktima. Baka kasi kapag nalaman ng mga suspect na nakaligtas ito ay balikan nila para masiguro na mapatay nila ito.
Nang matapos sa trabaho ay nilapitan ko si Kier. Nakakaramdam parin ako ng pagkabalisa sa tuwing nilalapitan siya pero kailangan dahil sa trabaho at ayokong isama ang personal na nararamdaman ko tuwing nagtatrabaho.
"Nakatakip po ang mukha nung lalaki at bigla nalang po niyang binaril si Carding. Lumapit po ang isa sa kaibigan ni Carding para labanan ang suspect pero masyado po silang malakas kaya napatay po nila si Leo, yung kaibigan po ni Carding." Pagpapaliwanag ng isa sa mga residente na kausap ni Kier.
Sila? Edi ibig sabihin hindi lang isa ang suspect?
"Natatandaan mo ba kung anong itsura ng lalaki? Ilan sila?" Sambit ni Kier sa testigo.
"Hindi po. Parehas pong may takip ang mukha nila at parehas din po sila ng suot kulay itim kaya mahirap makilala." Sambit ng testigo.
"Ano pang natatandaan mo sa nangyari?" Tanong ulit ni Kier.
"Ayun lang po yung nangyari. Agad po kasi silang umalis nung narinig nila na paparating na ang mga pulis. Sumakay po sila sa itim na van. Wala po itong plate number." Sambit ng testigo.
"Sige maraming salamat." Sambit ni Kier.
"Walang anuman po. Sapat na po na nakatulong ako sa inyo." Sambit ng testigo at umalis na.
Dumiretso na ako sa sasakyan ng hindi nililingon si Kier. What a tough day. Sana lang talaga mahanap na ang mga masasamang tao na to.
"Shenaiga." Rinig kong sambit ni Kier sa likod ko dahilan para mapatigil ako. Tapos na ang trabaho. Ano pa bang kailangan niya?
"Bakit, Kier? Ay este Detective?" Sambit ko. Hindi parin ako sanay na tawagin siyang detective.
Nararamdaman ko kasi ang paglakas ng t***k ng puso ko sa tuwing tatawagin ko siya sa title na ganon. Siguro sobrang masaya ako para sakanya.
Hindi ko pinagsisisihan na naghiwalay kami. Ang laki ng pinagbago niya. Natupad na niya pangarap ng tatay niya para sakanya. I wonder, nakita niya na kaya tatay niya?
"Let's have a dinner." Sambit nito.
"I have to go. Madami pa akong gagawin." Sambit ko. Hindi man lang siya nagtatanong. Basta siya nagdedesisyon na para bang okay na kami.
Actually, wala na talaga akong galit sakanya. Saka bat ako magagalit? Deserve ko yun. Kasi sinukuan ko siya.
"Please? My treat?" Sambit niya.
Hays, pano ko nga ba matitiis tong si Kier? Sige na. Closure. Closure.
"Fine." Sambit ko at umaliwalas ang kanyang mukha.
Sinundan ko ang kanyang sasakyan at tumigil ito sa isang Fine Dine restaurant.
Nakahanap agad kami ng Seat at pinapili niya agad ako ng pagkain.
"How have you been?" Sambit niya na nakapagpaputol ng katahimikan.
"Well, I'm doing great. I love my job and my new life for the past 6 years." Sambit ko sakanya na puno ng pagmamalaki.
"Wow! Good for you!" Sambit niya at uminom ng tubig.
"By the way, may gusto sana akong sabihin sayo." Sambit niya. Nakaramdam ako ng kaba sa maaaring sabihin niya.
Tinignan ko nalang siya at naghintay na sabihin kung ano man iyon.
"I'm so proud of you." Sambit niya. Para bang gumuho ang pader na patuloy kong binubuo sa pagitan naming dalawa.
Marami nang nagsabi sa akin niyan pero bakit iba ang pakiramdam nung si Kier na ang nagsabi?
"T-thank you." Nauutal na sambit ko. Gusto ko ding sabihin sakanya kung gaano ako kaproud sa narating niya.
Mabuti na lamang ay dumating na ang pagkain dahilan para mawala ang awkwardness sa pagitan namin.
"So do you have a boyfriend?" Biglang tanong ni Kier dahilan para masamid ako sa aking kinakain.
Agad niya akong inabutan ng tubig at nang mahimasmasan ay tumingin sakanya ng masama.
"San mo naman nakuha yang tanong na yan?" Sambit ko sakanya.
"Why? I'm just curious." Sambit niya na para bang natatawa.
"I don't have time for that. I'm currently inlove with my job." Sambit ko sakanya. Nope, I'm still inlove with you. Bulong ko sa isip ko. Pero tanggap ko na. Nagiintay nalang ako kung may darating paba. Kung wala, ayos lang. Kaya ko naman mabuhay magisa at sapat nang napaglingkuran ko ang bansa.
"Same same." Sambit niya at ipinagtpatuloy na namin ang pagkain.
Pagtapos ay inihatid niya na ako sa sasakyan para makauwi na kami.
Sinuguro niya na safe ako sa paguwi.
Bago ako umalis ay binuksan ko ang bintana ng kotse ko at tinawag siya.
"KIER!" sigaw ko mula sa sasakyan.
Lumapit siya sa akin at nagtanong kung bakit.
"Thanks for tonight." Sambit ko.
Tumango lang siya at hinihintay na maka alis ako.
Pero nanatili parin ako.
Kinakabahan ako. May gusto akong sabihin pero inuunahan ako ng takot ko.
Siguro sasabihin ko nalang para hindi na maipon sa puso ko.
"Uhm.. May sasabihin sana ako." Sambit ko napansin ko ang kaba sa itsura niya.
"What is it?" Tanong niya.
"I... Uhm..." Hindi ko pa naitutuloy ang sasabihin ko pero ramdam ko n ang panginginig sa sistema ko.
"You what?" Sambit niya.
"I'm so proud of you..." Sambit ko. Kita ko ang paninigas ng katawan niya ng sinabi ko ito.
Pinaharurot ko agad ang sasakyan ko dahil sa kaba at hiya na nararamdaman ko.
Kita ko sa side mirror na hindi pa rin siya nakakaalis sa pwesto niya.
Napabuntong hininga nalang ako at saka nagmaneho ng mapayapa.
TO BE CONTINUED...
__________
Nagustuhan niyo ba? Pasensya kung medyo natagalan. Hirap kasi umisip ng eksena.
Salamat sa pagbabasa!
Stay tuned!