Chapter 17
"Shenaiga!! Bumangon kana jan uuwi na tayong manila!" Sigaw ni Zane na nakapagpagising sa akin. Hindi ko alam kung ilang beses na siyang tumatawag at kumakatok sa pinto. Masyado pa kasing maaga. Nalate ata ako ng gising kagabi kakaayos ng mga gamit na dadalhin ko.
Hindi na ako nagayos at agad kong binuksan ang pinto para malaman ni Zane na gising na ako. Patuloy parin siya sa pagkatok.
"Finally sleepy head!" Sambit ni Zane pagbukas ko ng pinto. Agad niya akong niyakap na ikinataka ko.
"Why?" Mahinang sambit ko at niyakap siya pabalik.
"Happy Birthday, beautiful." Sambit niya na nakapagpangiti sa akin. Siya ang unang bumati sa akin ngayong araw.
"Thank you. Magshoshower lang ako, intayin mo nalang ako sa baba." Sambit ko. Agad siyang tumangi at bumaba na.
Ang saya ko kasi 18 na ako. And magcocollege na ako sa pasukan. Unti unti ko na din matutupad mga pangarap ko. Sana maging masaya ang birthday ko mamaya. Hindi ako tumulong sa pagaasikaso ng venue at mga bisita kasi sabi nila Dad sila na bahala. Kampante naman ako kasi kilala nila lahat ng kaibigan ko at mga malapit sa akin. For sure magiging masaya yun.
Binilisan ko lang ang pagligo para maaga kami makarating sa manila.
Pagbaba ko ay kumain muna kami at inilagay na sa sasakyan ang mga dadalhin. Si Zane ang magdadrive ng sasakyan para hindi na mahirapan sa pagbalik.
Agad akong pumasok sa shotgun habang nakangiti.
"Wala ka nang nakalimutan?" Tanong ni Zane at tumango nalang ako. Hindi parin mawala ang ngiti ko sa labi dahil sa saya. Masaya ako kasi makikita at makakasama ko ulit mga kaibigan ko.
"Di naman halatang excited ka?" Natatawang sambit ni Zane sa akin.
"Hindi naman siguro" sarkastikong sabi ko at tinawanan siya.
Binuksan niya ang stereo ng sasakyan at nagpatugtog ng mga masasayang kanta. Ayaw niya sa malulungkot na kanta lalo pag kasama niya ako, baka may maalala nanaman daw ako.
Magstop over kami sa pampanga para magpa gas. At dahil gusto ko ng may nginunguya pumasok ako sa convenient store sa gas station. Bumili ako ng mga snack and drinks.
Pagbalik ko sa pinagparking ng sasakyan ay nakita ko si Zane na parang nag aalala.
"Are you okay?" Sambit ko at nang makita niya ako ay parang nakakita siya ng multo.
Tumango nalang siya at inaya na akong pumasok sa sasakyan.
"What if....... Ugh! Nevermind." Nagtaka ako sa sinabi ni Zane. Ano bang gumugulo sa isip neto?
"What's bothering you? Kanina ka pa tahimik." Sambit ko pero umiling lang siya. Alam ko may mali e. Hindi naman ganito si Zane pag magkasama kami.
"Bakit ba ang tahimik mo?" Tanong ko.
"Tahimik naman talaga ako e." Masungit na sambit niya. Problema neto? Parang kabuwanang dalaw na niya huh.
"Ang sungit mo naman. Nireregla ka ba?" Sambit ko at sinimangutan siya.
"Wag ka nga maingay." Sambit niya na ikinagulat ko. Bakit? Nagtatanong lang naman ako huh. Edi okay! Bahala siya hindi ko siya kakausapin.
Tinignan ko siya ng masama at tinarayan. Kinuha ko ang earphones ko sa shoulder bag na suot ko at nagpatugtog mag-isa. Attitude ka ha, bahala ka jan.
Natraffic kami sa pampanga dahil may aksidente daw na nangyari. Kanina pa nagsasalita si Zane pero di ko parin siya pinapansin. Sinusungitan niya ako kanina ngayon pinapansin pansin niya ako na parang walang nangyari.
Maya maya lang ay kinakalabit na niya ako at paulit ulit na tinatawag pangalan ko.
"Wag ka nga maingay." Paggagaya ko sa sinabi niya kanina.
Tinawanan niya lang ako. Nakakahawa ang tawa niya pero pinipigilan ko mapangiti. Alam niya talaga paano ako mapatawa. Nakakainis.
"Gaya gaya to. Sorry na." Sambit niya pero di ko parin siya pinapansin.
"Sorry na. May naisip lang kasi ako na nakakainis." Sambit niya. Tinignan ko siya pero di ko siya sinasagot hinihintay ko na sabihin niya kung ano man naisip niya.
"Naisip ko na paano kung magkita kayo ni Kier?" Sambit niya. Ayun lang pala! Pinaghandaan ko na yun! Saka sabi niya nga diba one way para makamove- on is closure?
"Yun lang pala. Naisip ko na yan bago pa tayo pumunta dito." Sambit ko sakanya.
"What will you do?" He asked.
"I'll ask for closure. Sabi mo diba para makamove on kailangan ko ng Acceptance, Closure and Forgiveness?" Sambit ko at tumango lang siya.
"Siguro tanggap ko na, kailangan ko lang ng closure para mapatawad ko din sarili ko. Then I'll move forward!" Sambit ko ng nakangiti. Pero sa loob loob ko kinakabahan ako. Alam kong mahihirapan ako. Kasi isipin mo after a year of suffering magkikita ulit kami. Alam ko kasi na mahal ko pa siya. Pero siguro kapag nagkaclosure na kami matatanggap ko na hindi talaga kami para sa isa't isa. Hindi pa naman agad mawawala yung love pero atlis kahit papaano mababawasan yung sakit.
Sabi nga nila, kapag nakamove-on ka. Hindi naman talaga nagfade yung love sa puso mo. Ibang klase lang yung pagmamahal. Syempre naging part siya ng buhay mo to the point na sobrang hirap talagang magunlove ng tao.
Nakarating na kami sa bahay at napansin ko na marami nang tao. Pagpasok ko ay nakita ko ang mga kamag-anak ko. Agad nila akong sinalubong at isa isang binati.
"Uhm.. This is Zane po, bestfriend ko." Sambit ko. Napansin ko ang pagbuntong hininga nila. Siguro akala nila boyfriend ko si Zane. Nakita ko ang pagkinang ng mga mata ng mga pinsan ko nang makita si Zane sa tabi ko. Pogi talaga kasi, unang tingin ko din sakanya noon na attract ako. Sinamahan ako ni Zane na ilagay sa kwarto ang mga gamit ko.
Pagbukas ko ng pinto ay nagulat ako na may dalawang babaeng nakahilata sa kama ko.
"Puta, ang kakapal ng mukha." Nasambit ko at agad silang napalingon sa akin.
Napatalon sila sa gulat ng makita ako lalo na nang mapansin kung sino ang nasa likuran ko.
"May bago ka na agad?" Sambit ni Mae.
"Diba yan yung waiter sa resort? Di ka naman nagkekwento sa amin!" Sambit ni Diane.
Tinawanan ko silang dalawa at hinawakan ko sa braso si Zane.
"Zane, Si Diane at Mae nga pala. " sambit ko kay Zane.
Lumapit siya kila Diane at Mae para makipagkamay.
"I'm Zane. I heard a lot about the two of you." Sambit ni Zane na ikinagulat nila. Tumingin ang dalawa sakin na para bang nagtataka.
"Maganda naman ba mga narinig mo tungkol samin?" Tanong ni Diane.
"Hmmm... Sort of?" Sambit ni Zane at tinapunan ako ng dalawa ng masamang tingin. Tinawanan nalang namin sila ni Zane. Kita ko ang mangha sa mukha nila ng makita nila ang pagtawa ni Zane.
Naiintindihan ko reaksyon nila kasi ganyan din ako nung una kong nakitang tumawa si Zane.
###
5pm ng sinimulan na nila akong ayusan sa hotel. Ang ganda ng gown na isusuot ko. Kulay Puti siya na faded black pababa sa laylayan. Ang ganda excited na ako suotin. I wonder kung ano kayang itsura ng venue, dumiretso kasi kami agad dito sa kwarto e.
Nang matapos ang pagaayos ko ay pinababa na ako para magumpisa ang party. Sino kayang last dance ko? Sana si Zane nalang.
"Let's all welcome! The debutante! " sambit ng emcee dahilan para matahimik ang crowd. Narinig ko ang pagtugtog ng soft music habang naglalakad ako papunta sa harapan. Pagtingin ko sa gilid ay nakita ko ang paborito kong local band. Nakatingin sila sa harapan. At sa tabi ng engrandeng upuan ay nakita ko ang acoustic guitarist ng banda na kinababaliwan ko. This is my best birthday ever! Nag aabang siya sa harapan habang nakasuot ng tuxedo. Mukha siyang prinsipe.
Paglapit ko ay nakita ko ang paglahad niya ng kanyang kamay. Nanginginig ako ng inabot ko ito. Gusto kong maiyak sa sobrang saya.
"Happy birthday, gorgeous." Sambit niya.
Naramdaman ko na parang tumatalon ang puso ko sa saya. Parang gusto ko tuloy siyang yakapin!!
"Thank you, my dream boy." Sambit ko at nginitian niya ako.
Naging masaya ang flow ng birthday ko. Hindi pa tapos dahil pinakain muna namin ang mga bisita bago mag 18 roses. Kinakabahan ako, kasi di ko alam kung sino ang mga sasayaw sa akin.
Nakakatuwa sa 18 candles kasi kumpleto ang mga kaibigan ko, nakakaiyak ang mga message nila, karamihan ay ikinwento mga memories nila kasama ako. Para naman akong pumanaw non.
Nang matapos silang kumain ay nagulat ako ng magumpisang tumugtog ang banda at lumapit sa akin ang tito ko na may hawak na rosas.
Sinayaw ko siya pati ang iba kong tito na paulit ulit lang ang paalala.
Ang pang anim na sumayaw sa akin ay si John ang bestfriend ko. Namiss ko siya kaya nakayakap ako sakanya habang sumasayaw.
Pangpito ay si Clark, ang bunso kong kapatid. Ang laki na niya hinalik halikan ko siya habang sinasayaw niya ako.
Pang walo , pang siyam, sampo ay mga kaibigan at pinsan ko, nakakatuwa kasi di ko inexpect na magkikita ulit kami ng iba.
Pang labing isa ay si Dad. Sobrang salamat ako kasi pinasaya niya ako ngayong araw.
Pang labing dalawa ay hindi ko inexpect. Isinayaw ako ng lead vocalist ng banda na paborito ko. Isinayaw niya ako habang kumanta. Ang sarap sa pakiramdam.
Pang labing tatlo ay ang pangalawang vocalist ng banda. Kumakanta din siya habang isinasayaw ako.
Pang labing apat ay ang drummer ng banda. Naeexcite na ako kasi alam kong maisasayaw din ako ni Rj.
Pang labing lima ay ang electric guitarist ng banda. Alam kong susunod na si Rj kaya sobrang laki na ng ngiti ko.
Panglabing anim ay finally! Si Rj. Sobrang laki ng ngiti niya ng salubungin ako. Para talaga siyang prinsipe at alam kong hindi ako ang magiging prinsesa niya. Sana mahanap niya ang babaeng para sakanya. Niyakap ko siya bago siya umalis.
Napakalaki ng ngiti ko si Zane na papalapit sa akin. Is this my last dance? I lost count. Kitang kita ko ang magandang ngiti ni Zane sa akin at niyakap ko lang siya. Sobrang nagpapasalamat ako na nakilala ko siya.
"Goodluck sa last dance mo, you can do it." Sambit ni Zane na nagpakabog ng puso ko. May isa pa? Akala ko last na siya.
Laking taka ko ng tumugtog ang kanta na matagal kong iniwasang pakinggan.
Narinig ko ang pamilyar na boses na kumakanta. Tumingin ako sa banda ngunit nakangiti lang sila sa akin. Nagsimula na manlamig ang katawan ko ng makita ko ang lalaking kumakanta papalapit sa akin.
Andito siya.
" Isasayaw ka sa ulap,
damhin ang hangin.
Ang ihip na nagsisilbing himig natin. Kasabay ang t***k ng mga puso nating nagniningning ang mga bituin"
Pagkanta niya habang dahan dahang akong isinasayaw. Inilayo niya ang mic sa kanyang bibig.
"Happy birthday, Mariko." Sambit niya at binigyan ako ng magandang ngiti.
Patuloy siyang kumakanta.
"Why are you here?" I asked.
"I'll tell you later." Sambit niya.
Sigurado akong ito na ang huli. Kaya susulitin ko nalang. Naluluha ako pero kailangan kong maging malakas sa harapan niya.
Idinikit ko ang aking noo sa kanyang balikat habang sumasayaw. Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin dahilan para mayakap ko siya.
I miss his smell
I miss his touch
I miss his voice
I miss him so much
Pero siguro tama na.
Ayokong ipilit yung bagay na hindi para sa isa't isa.
Ayoko na mahirapan ng paulit ulit.
Nang humiwalay siya ay para akong sinaksak ng paulit ulit sa sakit.
Maya maya ay natapos na ang party at naguwian na ang iba. Natira nalang ang mga kaibigan ko at mga pinsan para sa after party na gaganapin.
Pinalitan na ang ilaw at naging disco lights.
"HAPPY BIRTHDAY SHENAIGA!" sigaw nila at sabay sabay ininom ang mga alak na hawak nila. The band is still here. Pero hindi na sila kumakanta.
They're partying with us.
The crowd is getting wilder, but I'm still sober.
Inaya ko ang banda na kumanta kami. I resquested them to sing the song "istorya" at titignan ko kung anong magiging reaksyon nila sa malungkot na kanta.
Nang marinig nilang nagumpisa ang intro ng kanta ay natahimik sila at nanood.
Napahiyaw sila ng makitang ako ang kakanta.
Sa istorya na tumatakbo sa aking isipan.
Pagkanta ko na nakapagpatigil sa kanilang lahat.
Ikaw ay nariyan
At kasama mo akong na ngangarap.
Napansin ko ang pagyayakapan ng mga couple dahil sa vibes ng kanta. Hindi nila alam na masasaktan sila sa kanta dahil pangbroken yon hahahaha lalo na ako mas masasaktan ako.
Balang araw ay,
Aabutin mga bituin
Habang pasan kita
Buong mundo'y aangkinin
Para sating dalawa
Hinding hindi na bibitiw
Kahit san magpunta,
Pero ngayon,
Nasan na?
Narinig ko ang mahinang pagdaing ng mga kaibigan ko dahil sa kanta. May iba pa ngang sumigaw ng "aray" eh.
Nasan na?
Ang sabi mo hindi ka bibitiw,
Pero nasaan na?
Nakita ko na napainom nalang ng alak ang iba dahil sa kanta.
"Wag ka ngang manakit!" Sigaw ni Diane sa akin. Napangiti nalang ako. Di pwedeng ako lang nasasaktan dito.
Maya maya ay napansin ko si Kier na nakaupo sa isang upuan sa gilid.
Ipinagpatuloy ko ang kanta habang nakatingin sakanya.
Sa istorya ng totoong buhay ay
Ikaw ay lumisan.
Hindi na nakita
'Di na kinausap
Parang di nakilala
'Di na maalala na
Aabutin mga bituin
Habang pasan kita
Buong mundo'y aangkinin
Para sating dalawa
Hinding hindi na bibitiw
Kahit san magpunta
Pero ngayon
Nasan na?
Nasan na?
Ang sabi mo hindi ka bibitiw.
Pero nasan na?
Nagsisimula na mamuo ang luha sa mga mata ko, pero itinutuloy ko parin ang kanta. Nakatingin sa akin si Kier na walang emosyon sa mukha.
Pansin ko ang paglungkot ng paligid dahil sa kanta.
At sa istorya na ito,
Ako'y malaya na
Magpapatuloy ang mundo
Kahit na mag isa
Tinapos ko ang kanta na may ngiti habang nakatingin kay Kier. Nginitian ko ang banda at biniro na pwede na akong 6th member.
Naghiwayan ang lahat ng matapos ang kanta. Nakakuha ako ng papuri sa mga bisita ko. Napansin ko ang pagtayo ni Kier habang hawak niya ang kanyang Cellphone.
Maguusap pa pala kami. Lalapit sana ako ng nakita kong nagmamadali siyang lumabas ng venue. Agad ko siyang hinabol at nang maabutan ay hinila ko ang kanyang braso paharap sa akin.
"Bakit ka nandito?" Tanong ko.
"Ininvite ako ng Dad mo." Sambit niya. Naramdaman ko ang sakit ng makita ko ang galit sa mga mata niya.
"I'm sorry, I miss you." Sambit ko. Pakiramdam ko mawawala na ako sa plano kong tigilan na ang pagmamahal ko sakanya. Ang hirap kasi e, pwede pa naman subukan ulit diba? Wala namab masamang lumaban ulit.
"It's fine okay na ako. " walang emosyong sabi niya.
"Mahal pa kita." Pabulong na sabi ko sakanya. Ang sakit parin Kier.
"But you chose to leave." He said. Hindi niya ba alam kung gaano ako naging miserable?
"I'm sorry, I'm just scared that time. Please, Kier. Balik kana." Pagmamakaawa ko sakanya.
"I can't. Ayoko na maulit yung nangyari. Maging masaya ka nalang sa buhay mo. Alam kong kakayanin mo. Kinaya mo ngang iwanan ako diba?" Sambit niya sa akin.
"Kier, please. I need you. Mahal na mahal kita." Pagmamakaawa ko sakanya. Hinawakan ko ang kanyang kamay pero pinalis niya lang ito.
" Hindi na kita kailangan. Kaya ko na nang magisa. Masyado pa tayong bata marami ka pang makikilala. May mahal na akong iba, pakiusap lang palayain mo na ako." Walang emosyong sambit niya sa akin.
"P-pero.. Pano na ako? Yung mga pangarap natin? Diba sabi mo tutuparin natin yun na magkasama? Wag ka namang ganyan, akala ko ba mahal moko? Akala ko ba ako lang?" Lumuluhang sambit ko sa harap niya.
"Akala ko rin. " sambit niya at tinalikuran ako. Tinatanaw ko siya habang lumalayo at nagbabaka sakali na lingunin niya ako. Pero nabigo ako nang makita kong may babaeng sumalubong sakanya at niyakap siya ng mahigpit.
TO BE CONTINUED...
_______
MASAKIT BA?
CRDTS TO: THE JUANS SONG -
Istorya
PROM
SALAMAT SA PAGBABASA