Chapter 16

1704 Words
Chapter 16 It's been months since the incident happened. Mabuti nalang daw ay agad na pumunta si Dad sa kwarto ko. Sobrang nagpapasalamat sa diyos dahil binigyan niya pa ako pangalawang buhay. Siguro ganun talaga noh? Di ko pa panahon. Baka madami pa kong pagdadaanan. I've been diagnosed with Major depression. Siguro masyado akong maramdamin kaya nangyari yun and that time hindi ko na talaga alam gagawin ko. Maraming session din ang naganap bago ako maging maayos at balik sa dati. Siguro hindi pa talaga totally na maayos kasi I still have meds na iniinom. I still have those panic attacks and I don't know why. Bigla bigla nalang akong iiyak, mahihirapan huminga at more. Pero atleast nabawasan na yung thoughts ko na magsuicide. Dito ko tinuloy sa bataan ang pagiging senior ko sa school. Sabi ni Dad at ng Therapist ko na mas mabuti na nasa new environment ako. Hindi naman siya literal na new environment kasi lagi naman kami nagpupunta dito. Pero it really helps me to recover. The nature really gives me peace. I always have my music therapy to calm me down while looking at the sea. I also have new friends but no one can ever replace Diane and Mae in my heart. Minsan nga binisita nila ako dito e, tinignan lang nila kung okay lang ba ako dito at masaya sila na makitang masaya na ako sa bago kong buhay. Zane is the one who always stay by my side here. Isa siya sa kaibigan ko na never akong hinayaang malungkot. Alam niyo ba na tahimik na tao si Zane pero since nalaman niya nangyari sakin hindi na matahimik bunganga niya kakasalita? Nakakatuwa lang kasi naalala ko nung summer.... f**k! Sana kasama nalang siya sa natanggal sa therapy ko. He always haunts me. Dahilan para ipagpatuloy ko ang paginom ko ng meds at dahilan bakit andito ako. "Hoy! Tulala ka nanaman! Eto ice cream." Biglang pagsulpot ni Zane sa tabi ko. Andito kasi ako sa favorite spot ko na cottage, hindi ko namalayan na napatulala na pala ako. "Salamat." Sambit ko at tinanggap ang ice cream na inabot niya sa akin. Masaya ako na naging kaibigan ko si Zane. Parang kuya na ang turing ko sakanya. And I really wished na sana kapatid ko nalang siya. Puro babae kasi mga mas nakakatanda sa akin at bunso ang lalaki namin. "Ano nanaman pinag-iisip mo jan? Wag mo sabihing gusto mo magpakalunod jan sa dagat." Sambit niya na ikinatawa ko. He really thinks that way. Sobrang caring niya at di siya nawala sa tabi ko maliban nalang kung matutulog na sa gabi. Kulang na nga lang samin na siya tumira. Umaga palang pupuntahan na niya ako sa bahay. "Naalala ko lang sila Diane." Sambit ko at nagulat ako ng bigla niya akong niyakap. He always does that kapag may namimiss ako or may naaalala na nasa maynila. "Andito naman ako wag ka magalala." He said and kissed me in my temples. Ang swerte ko na andito si Zane. Kung wala siya siguro ang boring ng buhay ko dito. Wala akong ibang kasama kundi ang lolo ko pati ang mga staff ng resort. Yung tita ko kasi may ibang inaasikaso sa maynila pero madalas nila akong bisitahin dito. Minsan pag wala akong ginagawa tumutulong ako sa resort. Sa accomodation at sa resto nila. Kapag gabi naman at may live band, hindi ako umaabsent dun. Parang isa na yun sa naging therapy ko. Kapag nanonood kasi ako sumasabay yung puso ko sa ritmo ng kanta at nadadala ako dahilan para sumaya ako palagi. "Bakit hindi ka pa naggigirlfriend? Andaming babaeng umaaligid sayo huh? Pero kahit minsan di kita nakitang may kasamang iba. Lagi ka nalang saking sumasama. Na-iissue na nga tayo na may gusto ka sakin. Baka tumanda kang binata niyan." Sambit ko habang tumatawa sakanya. Ihinarap niya ako sakanya at tinignan sa mga mata. "Wala pa akong oras sa ganyan. Ang gusto ko lang sa ngayon ay alagaan ka. Saka nangako ako kila tita diba? At alam ko na mas kailangan mo ng kasama. Ang babae, andyan lang yan. Wag kang mag alala pag dumating sa punto na makahanap ako ng mamahalin ipapakilala ko agad sayo." He said. "At ayoko pang iwanan ka. Masaya naman ako kapag kasama ka. Gusto kong makita ka munang masaya bago ako maghanap ng babaeng para sa akin. Pakiramdam ko kasi responsibilidad kong alagaan ka." Pahabol niya na tanging ngiti lang ang nabigay ko. "Sobrang swerte ko naman sayo. Minsan talaga naiisip ko na sana kuya nalang kita." Sambit ko. "Hindi man tayo magkadugo pero alam mo na kapatid na ang turing ko sayo." Sambit niya. Bigla ako napaisip. Bakit kaya naisipan niyang magtrabaho sa resort e mayaman naman sila? Nalaman ko kasi na anak siya ng governor dito sa bataan tapos isang beses dinala niya ako sa bahay nila parang mansyon. "Bakit naisipan mong magtrabaho sa resort? E madami ka naman nang pera at nakapagtapos ka naman ng Engineering diba?" Sambit ko. "Experience lang yun pagpunta ko dito sa Bataan. Saka ayoko masyadong umasa kay Dad. Di porket mataasang ranggo niya dito aabusuhin ko na. Actually I'm working from home." He said. "What do you mean?" I asked. "Mayroon kaming kompanya sa manila. At isa ako sa engineer dun. Pero paperworks lang hawak ko sa ngayon. Saka nalang ako hahawak ng mga project kapag uuwi na ako dun. Ayokong iwan ka." Sambit niya. Napatango nalang ako. Wala naman ako alam sa sinasabi niya. Ang alam ko lang mayaman siya at sigurado akong kayang kaya niya bilhin ang resort na to. Pumasok na kami ni Zane para maglunch. Dito na rin siya kumakain. Minsan nga pinagluluto niya pa ako ng ulam e. Masarap siyang magluto, hindi halata sakanya pero daig niya pa ata ang chef ng resort. Adobo ang ulam namin ngayon. One of my favorite. Malayo palang kanina amoy ko na e. Nakaramdam agad ako ng gutom pagpasok ko bahay. At dali dali akong umupo para makapagsandok at makakain na. "Dahan dahan lang baka mabulunan ka." Natatawang sambit ni Zane sa akin. Ipinagpatuloy ko lang ang pagkain ko, maya maya ay bigla nalang akong napatulala. Naalala ko yung umaga na ipinagluto niya ako ng adobo. The cuddles and the kisses. "HOY! WAG KANG TUMULALA SA HARAP NG PAGKAIN! HINDI SI KIER NAGLUTO NIYAN!" sigaw ni Zane sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin ng banggitin niya ang pangalan na iniiwasan kong maalala. He knows everything. He is my walking diary. Nang matapos kumain ay nagpahinga muna kami sa sala. "Paano ba magmove on?" Sambit ko. Natawa siya sa tanong ko. I know that he knew na hindi pa ako nakakamove on. "Pang ilang tanong mo na yan?" Sambit niya. "Acceptance, closure and forgiveness." Biglang sumikip dibdib ko ng maalala kong ni isa jan ay wala pa akong nagagawa. "First, you must accept the fact that your relationship with him is over. Accept the fact that you can't turn back the time na masaya ka sakanya. Accept na wala na siya. Accept na madami na nagbago. Accept everything. Then you'll move forward to the second phase which is closure." Sambit niya. "How? I don't have anymore connections with him." "I don't know either. Siguro skip that part. Moving on is a long time process, honey." He said. "Wala pa naman akong experience jan. Saka we all have different kinds and techniques in moving on." Pahabol niya. No girlfriend since birth si Zane. Palagi daw siya nirereject. Ang tanga naman ng mga babaeng nagrereject sakanya. Zane is a good catch. "How can I forgive him? E wala naman siyang kasalanan." I said. Ako ang may kasalanan, kasi iniwan ko siya at hindi ko siya pinaglaban. "Then you must forgive yourself." Sambit niya na nakapagpasikip sa aking puso. "Forgive yourself for hurting him, forgive youself for giving up on him. Then maybe you'll forget him too. " he said. "I can't." Sambit ko at napayuko. "Darling, that's what I know about moving on. You still have your own process. Alam ko mahirap makalimot. Pero paano ka makakamove on kung iniiwasan mo mga alaala niyong dalawa? Paano mo matatanggap kung hindi mo kayang pakawalan sarili mo sa mga alaala? Paano mawawala ang sakit kung sinisisi mo parin sarili mo hanggang ngayon? Paano ka makakalimot kung kinukulong mo parin sarili mo sa rehas na ikaw mismo ang gumawa?" Sambit niya na nakapagpahagulgol sa akin. Akala ko kasi okay na ako. Masaya na ako sa buhay ko na to. "That's it honey, cry it out. Wag ka magpapanggap sa akin na okay ka na. Dahil araw araw nakikita ko sa mga mata mo na nangungulila ka sakanya. God has a plan kaya nararanasan mo to ngayon. Give everything to him and he has a better plan for you. Use your past as a lesson not a nightmare." Sambit niya at inalo ako. Nang mapagod ako sa pagiyak ay inabot niya sa akin ang gamot ko pampakalma. Ininom ko ito at biglang naramdaman ko ang pagvibrate ng cellphone ko sa aking tabi. Tumatawag si dad. "Hello po?" Sambit ko "Hello anak, ano may plano ka na ba?" "Huh? Saan po?" Nagtataka kong sambit. "Anak, malapit ka na magdebut. Its nearly weeks from now. Saan mo gusto ganapin?" Nakalimutan ko na magbibirthday na pala ako. Siguro dun ko nalang sa manila gaganapin. Sasama naman si Zane for sure. I really miss my bestfriends and siguro I can get my closure there. "Hello anak, andyan ka paba?" "Ahh. Opo dad. Diyan nalang po gaganapin para makasama ko mga kaibigan ko. Isasama ko nalang po si Zane pwede po ba?" "Sure anak, kami na bahala dito. Magiingat ka jan." "Okay dad, I miss you bye." Sambit ko at ipinatay na ang telepono. Nakaramdam ako ng antok marahil sa gamot na ininom ko. Hinatid ako ni Zane sa kwarto at sinabing magpapahinga siya sa Sala nalang. Paglabas niya ay agad akong napatulala sa kisame dahil sa katahimikan ng paligid. "Makakalimutan din kita at kakayanin ko din na wala ka." Sambit ko bago ako makatulog. TO BE CONTINUED... ______ Abangan natin ang muling pagkikita ng #SheRvin! Ano sa tingin niyo? Magiging masaya ba ang pagkikita nila? O panibagong sakit at paghihirap nanaman ang mararamdaman ni Shenaiga? Abangan!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD