Chapter 15

1720 Words
Chapter 15 Today is Kier's Team Championship game in basketball here at our barangay. I witnessed how he efforts in playing basketball and I know how he badly wanted to win. And now! I'm so proud kasi nakaabot sila sa championship. As his girlfriend, never akong umabsent sa mga laro niya. He said that he is so thankful to have me. Nagawa ko na to sa ibang naging ex ko. I supported them in their passion pero feel ko non parang responsibilidad ko sakanila na supportahan sila. Pero ngayon kay Kier, I really wanted to support him, I'm his no.1 fan in everything he wants. We are here at Kier's house waiting for his team mates. Meron pang natitirang dalawang oras bago magstart ang game nila. At gusto niya muna akong lambingin para daw magkalakas siya sa laro niya mamaya. I don't know that this man can be so clingy like now. Nasa sala nila kami ngayon, nagpapahinga sa kwarto ang kanyang mga kasama dahil oras ngayon ng siesta. Nakayakap siya sa akin ng mahigpit habang nakapikit ang mga mata. Ako naman ay nagcellphone lang. I took some pictures of us habang siya ay nagpapahinga sa tabi ko. I love it everytime he is like this. I hope this relationship won't end. Pero imposible naman yun diba? Wala namang perpektong relasyon. Gustong gusto ko si Kier na makasama ko hanggang sa maging succesful ako at hanggang sa huling hininga ko. Mahal na mahal ko siya. "What do you want went you grow up?" I suddenly ask. "I want to grow up with you." Sambit niya na nakapagpamula ng aking mukha. Napakasmooth. "Yung seryoso kasi." Sambit ko. Gusto ko talaga malaman e. "I'm serious." Sambit niya at nagbuntong hininga nalang ako. "My dad wants me to be a police." He said. Mahal niya talaga tatay niya. Isa to sa rason kung bakit ko siya minahal. Kasi sobrang mahal niya pamilya niya, kahit na iniwan na sila never siya nagtanim ng galit. "Really?" Sambit ko. "How about you?" Tanong niya sa akin pabalik. "I want to be a forensic investigator. That was my first choice. If ever hindi papalarin na makapag aral ng forensics, I also want to be a police." Sambit ko. Nabigla ako nung malaman ko na gusto niya ding magpulis. Dahil isa un sa pinagiisipan ko na trabaho kung hindi talaga papalarin makapag forensics. "So we have same interest. Maybe we're really meant to be." Sambit niya. Naniniwala pala siya sa ganyan ganyan? Di halata sa itsura niya. "How do you say so?" I asked. Hindi naman porket same interest kami, meant to be na agad. "I just feel it. I know you'll end up marrying me in the future." Mayabang na sambit niya. "You're so full of yourself huh?" I said. He just smirked and wink at me. Pogi talaga. I caressed his face slowly na parang kinakabisa ko ang bawat parte ng mukha niya. Hinding hindi ko makakalimutan itong kanyang mata na may pagka singkit, matangos na ilong, panga na may katamtamang laki, makakapal na kilay at mga ngiting parang dinadala ako sa langit. While looking at his face , he suddenly kissed me. Saglit lang dahil baka may makahuli sa amin. ##### Nagpunta na kami sa court dahil maguumpisa na ang game nila. I'm excited and proud sa boyfriend ko. Sobrang dami nagtilian ng makita kaming pumasok sa court. Pano ba naman kasi mga pinagpala ang grupo nila. Kahit ako mapapatili kapag nakita sila. "We love you , Kier!!" Sigaw ng mga babae sa bleachers. Natawa nalang ako. Totoo naman kasing mahal namin si Kier, pero sorry girls ako ang mahal niya. Hindi ako nagselos sa mga humahanga sakanya. Kahit sa mga nagpapapicture, yumayakap at sa mga lumalapit sakanya. Masaya ako na madaming humahanga sa galing niya. Paano pa kaya kapag sa araneta na naglaro to? Mas madami na akong kaagaw. Pinapanood ko lang siya habang nagshoshooting sila ng bola. Tuwing nashoshoot niya ang bola sa ring ay mayabang siyang tumitingin sa akin na sinusuklian ko lang ng ngiti. Nakakaproud talaga siya. ##### Natapos ang laban at nanalo sila Kier. 11pm na ng nabigyan sila ng mga award. At dahil strict ang parents ko umuwi na ako sa bahay. Gusto ko samahan si Kier na magcelebrate kaya tumakas ako mula sa bintana ko. Mabuti nalang magaling ako sa ganito at bermuda ang babagsakan ko. Mula sa bintana ko ay tumalon ako pababa sa 1st floor. Mabuti nalang at hindi ako nabalian or nasugatan sa pagbagsak ko. Pwede na ata ako sa parkour stunts , joke. Agad akong lumabas ng bahay at dumiretso papunta kila Kier. Nakita ko na nagpipicture sila hawak ang Trophy at agad na tumakbo papunta sa akin si Kier sabay yakap dahil sa saya. "Tumakas lang ako." Sambit ko. Tinawag niya ang kanyang kaibigan para magpakuha ng litrato namin habang hawak niya ng trophy. Sobrang proud ako sakanya at niyakap ko na lamang siya ng mahigpit. "Congrats, love." Sambit ko sakanya hinawakan niya ang baba ko at iniharap sa mukha niya. "Para sayo lahat ng ito, salamat, mahal dahil sinuportahan moko." Sambit niya at dumampi ng halik sa labi ko. Pakiramdam ko ako ang nanalo. Ang sarap sarap sa puso na ako ang inspirasyon niya. Niyakap ko siya ng mahigpit. "Mahal, pwede ba ako sumali sa inuman?" Sambit niya at tumango lang ako. Nung una ayaw pa niyang maniwala pero sumama na rin siya. Bakit ko siya pagbabawalan? E celebration nila yun. Bago sila maginuman ay ihahatid niya muna ako sa amin. Nang makarating na kami ng bahay ay magpapaalam na sana ako ngunit nakarinig ako ng sigaw na nakapagpaguho ng aking puso. Paglingon ko ay nakita ko ang dad ko na papunta sa amin na parang sasabog sa galit. Sobrang kinakabahan ako at pinapaalis ko na si Kier. "Hindi, haharapin natin papa mo." Sambit niya at umiling ako ng marami. " Hindi pwede , Kier! Paglalayuin niya tayo. Please umuwi ka-------" hindi natuloy ang sasabihin ko ng biglang hilahin ni Dad si Kier at binigyan ng sapak sa kanyang panga. "SINO KA? BAKIT MO KASAMA ANAK KO?!" Sigaw ni dad kay Kier habang hawak niya ito sa kwelyo. Sinubukan kong pigilan si dad. "MANAHIMIK KA JAN SHENAIGA! HINDI KO AKALAIN NA MASUSUWAY MO AKO DAHIL SA HAYOP NA TO!" Sinigawan ako ni dad sa unang pagkakataon. "Girlfriend ko po ang anak niyo." Sagot ni Kier na lalong nakapagpainit ng ulo ni Dad. Shit! Maling mali to! "Dad, sorry na... Dad.. Please! Tama na po." Pagmamakaawa ko at marahas na binitawan ni Dad, si Kier. "Hiwalayan mo na tong lalaking to ngayon na!" Sigaw ni dad sa akin. "No... Dad.. Please! Mahal ko po siya." Sambit ko at hindi makapaniwalang umiling si dad sa akin. "Bata ka pa anak! Eto ilang taon na to?! Gusto mo ba idemanda ko to?! Kapag hindi mo hiniwalayan ngayon itong lalaking to, sisiguraduhin kong bukas na bukas rehas na ang hihimasin nito!" Sambit ni Dad at tumalikod na iniwan kaming dalawa. Ayoko talagang makitang nagagalit si dad dahil alam ko kung anong pwede niyang gawin. Agad na yumakap ako kay Kier at marahan niyang hinimas ang likod ko. "I'm sorry.... Love.. Mahal na mahal kita... Pero...." Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil lalo akong napahagulgol sa ideya na mawawala nanaman siya sa akin. "Pero ano? Hindi mo ba ako ipaglalaban? " sambit niya at napansin ko ang pamumula ng kanyang mata. Lalo ako napahagulgol. Sorry Kier. Hindi ko kayang kalabanin pamilya ko. Ayokong makita kang maghirap habang nilalaban natin kung anong meron tayo. Kung tayo naman tayo talaga. Sa ngayon kailangan ko munang hiwalayan ka. Ayokong makita kang makulong dahil sa akin. Dahil alam ko na menor de edad palang ako at mas matanda ka sakin malakas ang laban namin sa korte. Hindi ko kaya to pero sana ikaw at ako parin sa dulo. Mahal na mahal kita. "I'm sorry...." Tanging nasabi ko at tumalikod na papasok sa bahay. Agad akong tumakbo sa kwarto at napahagulgol sa sakit. Andito nanaman ako. Lumuluha sa kawawang unan na to. Siguro nga hindi talaga kami para sa isa't isa. Ang sakit kasi nahanap ko yung tamang tao sa maling panahon. Bakit kapag sumasaya tayo grabe ang sakit na bumabalik? Deserve ko ba to? Pero mahal na mahal ko siya. Hindi ko alam kung kakayanin ko pa na magmahal ng iba. Hindi ko alam bakit pinaglalaruan ako ng tadhana. Kakabalik lang ni Kier sa akin binawi na agad. Ang unfair. Hindi ba pwedeng maging masaya lang? Hindi ba pwedeng wala nang balik na lungkot? Bakit kailangan pa masaktan? Bakit ako? Bakit kami? Bakit kung kailan sigurado na ako saka magkakagulo? Bakit ganito? Bakit sobrang sakit? Hindi ko na kaya. Pumunta ako sa banyo at kinuha kung ano mang gamot ang makita ko. Ayoko na. Wala na rin namang sense buhay ko kung wala na si Kier. He is my home, my everything. Ano na ako ngayon? Wala nanaman siya sa akin. Ano pang purpose ko sa mundo? Bago ko ituloy ang binabalak ko. I wrote something on a paper. A letter for Kier, Hi love. Sorry kung gagawin ko to. Sana mahanap mo yung taong para sayo. Yung taong hindi ka sasaktan ng ganito. I don't know what I'll do without you. So I think it will be better if I die. Salamat sa lahat. Dadalhin ko lahat ng alaala sa kabilang buhay. Wag mo kong kakalimutan huh? Mahal na mahal kita. A letter for my fam. Pakibigay po ng letter ko kay Kier. And sorry dad kung nagawa kong itago at magsinungaling sayo. Dad, di ko na kaya. Mahal na mahal po kita. Sorry. Paalam. I placed the letter in my bedside table and pour the tablets in my hand. I drink it as many as I can. Until I felt dizzy. Kinuha ko ang lalagyanan ng gamot at binasa kung anong gamot ito. Eszopiclone. Bago tuluyang pumikit ang aking mga mata ay may isang nakangiting imahe na biglang nagpakita sa aking isipan. Kier. TO BE CONTINUED.. __________ PS. SUICIDE IS A SIN! If you have suicidal attempts or thoughts, its better to consult it to a professionals. Eszopiclone ( Lunesta ): Lunesta also helps you fall asleep quickly, and studies show people sleep an average of 7 to 8 hours. Thank you for reading! More chapters to come! Godbless and always take care of your mental health. Lovelots.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD