Chapter 11

1510 Words
Chapter 11 I woke up with a f*****g intense headache. Pano ba naman kasi halos umaga na kaming natapos nila Diane. I looked at the 2 girls beside me. Ang himbing parin ng tulog nila. Iniligpit ko ang mga ginamit namin. Hindi alam ni dad na naginuman kami. Wag niyo gagayahin yon ah! Kailangan ko lang talaga magpakawasted kagabi dahil sa sakit. I saw my phone in the bedside table. It is ringing. Pinatay ko na to kahapon ah? Bat nakabukas nanaman? I saw how Kier's name popped in my phone. I declined it and I saw 99 missed calls from him. Wow huh? Madami kang oras at load. Kapal ng mukha mo. I remembered what I saw yesterday. I can still feel like my heart shattered into pieces. Ang sakit talaga paano niya nagawa sa akin to. Hindi ko na binasa ang kanyang mga text dahil nagsisimula nanamang mamuo ang mga luha sa mata ko. Di pa pala ubos to? Binuhos ko na lahat kagabi huh? I went in my bed to get a pillow at pinagpapalo ko sa mga nakahilata sa kama ko. "HOY! MAGSIGISING NA KAYO MGA PRINSESA! ANONG ORAS NA! KAKAIN NA TAYO!!" Sigaw ko sakanila habang pinagpapalo sila ng unan. Natawa ako sa itsura nila, para silang nirape ng limang katao. Sabay pa silang umaray at napahawak sa ulo nila. "Sandali putcha tama na!" Sigaw ni Diane habang patuloy ko silang hinahampas ng unan. Sabay silang bumangon at tumakbo sa banyo. "Ako muna! Paligo ako! Putcha ambaho ko na!" Sigaw ni Mae kay Diane. "Ako na kasi! Sandali lang ako maligo!!" Sambit ni Diane habang tinutulak palayo si Mae. Sumuko na sa pakikipagtulakan si Mae at naupo nalang sa aking higaan. "E kung sabay sabay nalang kaya tayong maligo. Tara dali!" Ideya ko sakanila. "Yuck! Kadiri! Never!" Agad na sabi ni Mae. Natawa nalang ako sa ideya na yon. Baka anong oras kami abutin sa banyo kapag nangyari yun. Puro bangayan lang magagawa namin. Pinauna ko nang maligo ang dalawa dahil matagal naman silang magaayos. Pagpasok ko palang sa banyo ay rinig ko na ang katahimikan. Katahimikan na nakapagpabalik ng sakit. Unti unting sumisikip dibdib ko tuwing naalala ko ang lahat. Simula kung paano kami nagkakilala. Kung paano niya sinabi na mahal niya ako. Kung paano niya ako alagaan. Kung paano siya mag alala sa tuwing hindi ako nakakapagreply sa mga text niya. Kung paano niya halikan ang noo ko tuwing magkasama kami. Kung gaano kahigpit ang mga yakap niya sa akin. Kung paano niya ako inaangat sa panahong nalulungkot ako. AaaackKkk ayoko na alalahanin. Tapos na kami. Kakayanin ko to. Sinumulan ko na maligo habang patuloy na tumutulo ang aking mga luha kasabay ng pagtulo ng tubig mula sa shower. Pagkatapos ay dumiretso ako sa lababo upang magsepilyo. Ngunit napatitig ako ng bahagya sa aking repleksyon sa salamin. I lost my smile, my happiness. Tumulo nanaman ang mga luha sa aking mata ng mapansin ko ang singsing na binigay niya sa akin sa harap ng altar. Pinilit kong tumahan para makakain na ng almusal. Ang aga para magmukmok. Kailangan ko ng maging busy para makalimutan ko ang sakit kahit papaano. Sa pagtigil ng aking luha ay ang pagngiti ko sa harapan ng salamin. Ngiting pilit. Ngiti lang kahit masakit. Hindi nila pwedeng mapansin na nalulungkot pa ako sa nangyare. Atleast, I'm good at pretending. Paglabas ko sa banyo ay laking gulat ko ng sabay na tumingin sa akin sila Mae. Tingin na nagpapakita ng awa at pagaalala. Ayokong kaawaan nila, gusto ko makita nilang malakas ako. Kaya nginitian ko sila ng malaki. Sana lang gumana. They really know me better than I know myself. "Umiyak ka nanaman?" Sambit ni Diane. Sabi ko na nga ba di eepekto sakanila ang pagngiti ko. "Baliw hindi." Natatawang sambit ko sakanya. Pilit na tawa. Hindi na siya nang usisa pa at sabay sabay na kaming lumabas ng kwarto para makapag almusal. "Ahh tito, papasama po sana ako kay Shena mamaya sa mall, may inutos po kasi si mama sakin e. " sambit ni Diane na ikinagulat ko. Pero okay na din yun. Wala naman akong gagawin ngayon kasi sabado. Kailangan ko malibang para makalimot sa lungkot. "Anong oras ba iha?" Sambit ni Dad. "Before lunch po sana." Sagot ni Diane. "Oh anong oras na 10 na. Bilisan mo jan Shenaiga baka hanapin na kayo ng nanay ni Diane." Mabuti nalang at pumayag agad si dad. Malaki kasi tiwala niya kay Diane kasi matagal ko na siyang kaibigan. #### Naghanda na ako para sa pag alis namin ni Diane. Sinabi niya na samahan ko siya sa bahay nila para na rin makapag ayos muna. Nang matapos ay lumabas na kami at naglakad na lamang dahil malapit lang naman ang bahay nila sa amin. Ang problema nga lang ay dadaan kami sa street kung saan nakatira si Kier. Sobrang lakas ng kabog ng puso ko ng malapit na kami sa lugar kung saan palagi silang tumatambay. Nang makita kong walang tao ay bigla akong napabuntong hininga. Ngunit sa kasamaang palad, Nakita ko ang isang lalaki na nakasuot ng plain white v-neck tshirt at cargo shorts na papasalubong sa amin. Lalaking nanakit, dumurog at nang gago sa akin. May hawak siyang paper bag galing sa isang fastfood chain. Tila lumiwanag ang kanyang itsura nang makita niya ako. Sobrang lakas ng pagtibok ng puso ko na para bang gustong kumawala sa aking katawan. Dama ko din ang panginginig ng aking mga katawan at panghihina ng aking paa. Agad akong napakapit sa aking kasama na ikinagulat niya. Hindi na siya nagtaka dahil paglingon niya sa aking tinitignan ay nakita niya rin si Kier. "Mariko, love. Let's talk please." Malungkot na sambit niya sa akin ng makalapit siya. Hindi ko siya pinapansin ngunit hindi siya tumitigil at sinusundan pa kami. "Please, wag ka namang ganyan oh? Hear me out." Kitang kita ko ang lungkot at sakit sa paraan ng pagtingin niya sa akin. "What? Ano bang idadahilan mo? Sapat na yung nakita ko." Matigas na sambit ko, nagpipigil na ipakita ang lungkot sa aking mga mata. "She's Alyanna. I don't know why she's there and why the hell she did that." Pagpapaliwanag niya. "Alyanna? Your ex? Ano? Hindi mo alam?! E bakit hawak niya yung putanginang kape mo ha?!" "I don't know. Please believe me. I'm sorry." Sambit niya at marahan na hinawakan ang aking kamay. Agad kong pinalis ang kamay niya. "I don't know if I can believe you. I don't know if I can trust you AGAIN. But please, leave me alone. Wag na wag mo na akong lalapitan. Kasi puta di mo alam kung gaano kasakit e." Sambit ko. Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko. Agad kong pinalis ito ngunit patuloy parin sa pagtulo. Sinubukan niyang yakapin ako ngunit agad akong umiwas. "Please lang. Nakikiusap ako. Ayoko nang makita ka pa. Gusto ko nang kalimutan ka. Lumayo ka na sakin. H-hindi... Na.. Kita... M-ma.." Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil sa patuloy na pagtulo ng luha ko at para bang may nakabara sa aking lalamunan. Huminga ako ng malalim at hinarap siya. "Hindi na kita mahal." Matapang na sambit ko kahit patuloy na tumutulo ang mga luha sa aking mata. Nakita ko ang sakit, awa, lungkot at pagsisisi sakanyang mga mata. Tatalikuran ko na sana siya ngunit agad niyang hinila ang aking kamay at ikinulong niya ako sa kanyang mga yakap. Lalo akong napahagulgol sa dahil sa sakit at pagdurusa. I felt the comfort in his hug, the comfort and longing that I badly needed from him. Pero puno parin ng galit ang puso ko. Hindi ko alam kung mapapatawad ko siya sa ngayon. "Please, pagbigyan mo muna ako. Huling yakap na to. Lalayo na ako sayo. Pero sana lagi mong tatandaan na Mahal na mahal kita, Mariko." Rinig ko ang kanyang paghikbi. "Alam ko hindi mo pa ako kayang paniwalaan o pagkatiwalaan sa ngayon. Pero sana kapag okay ka na please, come back. I'm always here open arms for you. You know that I love you right? This is the last. Lalayo na ako sayo, mahal ko. Mag iingat ka palagi. Salamat, paalam" sambit niya, naramdaman ko ang marahan na dampi ng kanyang labi sa aking ulo at agad na siyang tumalikod sa akin. Ang sakit sakit. Hindi ko alam gagawin ko. Tinatanaw ko pa siya papalayo sa akin ngunit bigla akong hinila ni Mae para mayakap at patahanin. "Shh, tama na. Tara na dun ka nalang magdrama kila Diane." Sambit niya sa akin at inalalayan ako hanggang sa makarating kila Diane. Pagpasok ko sa kanyang kwarto ay dumiretso ako sa kama at humagulgol habang yakap ang unan, marahan kong hinaplos ang singsing na binigay niya. Inilagay ko ito kasama ng pendant sa kwintas na ibinigay niya sa akin. Lalo akong napahagulgol nang maalala ko ang mga alaala naming dalawa. We're over. Wala na. Tapos na. My home. My everything. My rest. My love. He gave up. It's over. _______________ Ang sakit diba? Wala kasing forever. Thank you for still supporting my story. Godbless everyone! Lovelots
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD