Umangat ang tingin ko kay Karen nang pumasok siya sa aking opisina. We’re working on a project in BGC. Isang high rise condominium iyon at malapit ng matapos ang contract. Sinikap talaga naming mabawasan ang delays para sa nalalapit na kasal nila ni Clark. “Wala ata si Clerk ngayon dito sa opisina mo?” Kumportable siyang naupo sa couch sa harap ng aking table. “Of course. Lahat na ata ng masasakit na salita ay sinabi ko. Kung hindi pa rin siya titigil sa akin, sobrang tanga na talaga niya.” Narinig ko ang pagbuga ng hangin ni Karen. “Vans…” Naiiritang tinapunan ko siya ng tingin. “Ilang beses ko bang dapat sabihin sayo na huwag mo ko tatawagin sa pangalan na iyan?” Tumahimik siya. Dumaan ang ilang minuto bago siya tumayo. “Kindly review the checks and contracts para ma-release

