Matagal bago ako nakabawi sa aking pagkagulat. Standing infront of me is Zandrick. Napuno ng mga katanungan ang aking isip. He is Zeke Tuazon? How? Tumikhim ito saka ngumiti. Bumaba ang kanyang tingin sa kamay nitong nabitin lang sa ere. Nilagay niya iyon sa kanyang bulsa nang mahalatang wala akong balak na tanggapin iyon. “My Mom recommended your company for the extensions of my restaurant. Kahit si Zane ay ganoon din since the twins personally know you.” Para akong naestatwa nang mapagtanto na nakakapagsalita siya. Malalim ang kanyang boses at nakadagdag iyon ng appeal sa kanya. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. This is the first time I saw him again after four years. Halo-halo ang emosyon na gustong kumawala sa akin ngunit nangingibabaw doon ang pagkamuhi. Ang kapal ng

