Hindi ko alam kung ilang minuto akong umiyak kay Clerk. Hindi siya nagsasalita at hinayaan lang ako. “Thank you.” Mahina kong sabi. Tumango ito at tila naghihintay na magsalita ako. I’m not yet ready to open myself to everyone. Tinalikuran ko siya at nagsimulang kumain. Hindi ko na siya nagawang ayain ngunit naupo siya sa aking harap at tahimik na kumain. Ayokong tignan siya sa mata. Ayokong makita ang awa doon. Sabi ko sa sarili ko ay hindi na ko makikita ng kahit na sino na ganito kahina. Ngunit anong nangyari? Sa maliliit na bagay ay naapektuhan kaagad ako. Paano pa kaya kung makita ko si Zeke na kasama ang girlfriend niya? Kung maghalikan sila sa harapan ko? Edi wasak nanaman ang puso ko? Nang matapos kaming kumain ay doon lang umangat ang aking tingin sa kanya. Blanko ang emosy

