Kabanata 6

3143 Words

Pagkarinig ko ng doorbell ay agad akong lumabas ng kwarto. Sa dulo ng hagdan ay nakita ko na agad si Kuya Vaniel na papasok ng bahay. Dala nito ang isang maleta at mabilis na itinabi sa gilid saka nahiga sa sofa. “Kuya!” Ngumisi siya sa akin at bumangon saka ibinuka ang kanyang mga braso. Tumakbo ako palapit sa kanya at dinamba siya ng isang mahigpit na yakap. “Na-miss kita, Kuya!” Ginulo niya ang aking buhok saka humiwalay sa akin. “Siyempre naman, ako ata ang pinakagwapo mong kapatid.” Umirap ako ngunit nanatili ang ngiti sa aking labi. Siya lang naman ang nag-iisa kong kapatid. Sure ako na siya lang dahil wala namang anak sa labas si Mom at Dad. Ito ang nakaka-miss kay Kuya. Palagi niyang pinangangalandakan sa amin na gwapo siya. Hindi ko alam kung saan niya nahuhugot ang lakas n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD