Kabanata 5

3096 Words
Kinukulit ako ni Karen habang kumakain sa cafeteria. It was our lunch break at ang dami niyang tanong tungkol kay Clark. I told her already that Clark is gay, at kung gusto niya ay kay Clerk na lamang siya maging curious ngunit ayaw niya. Si Clark daw talaga ang gusto niya. “Vanessa! Para naman kasing hindi bestfriend. Dali na, pahingi na lang ng number ni Clark kung ayaw mong sagutin ang mga tanong ko.” Huminga ako ng malalim saka kinuha ang aking cellphone. Nagliwanag ang kanyang mukha at kinuha ang aking cellphone. Matapos niyang makuha ang numero ni Clark ay masaya itong yumakap sa akin. “Love mo talaga ako, ano? Hindi mo ko matiis!” Umirap ako sa kanya at bumusangot muli. Napatigil siya sa kanyang pagcellphone nang mahalata ang aking itsura. “Anong problema mo?” Sinamaan ko siya ng tingin. “Mabuti naman at naisipan mo ng itanong. Busy ka masyado kay Clark e...” Ngumisi sa akin si Karen saka isinandal ang ulo sa aking balikat. “Ito naman, matampuhin. Ano bang kinasisimangot mo diyan?” Pabagsak kong nahampas ang lamesa. Mabuti nalang at hindi gaanong malakas iyon kaya wala namang lumingon na ibang estudyante sa amin. Sinabi ko kay Karen ang nangyari sa araw na iyon. Muling nabuhay ang inis sa akin. “Excuses! Ang sabihin mo, sinadya mong hindi pumunta kasi napilitan ka lang talaga.” Umiling si Zandrick sa akin saka huminga ng malalim. “If you don’t want to believe me, then don’t. I’m saying the truth.” “Bakit, ano bang ginawa mo kanina?” Tumaas ang kilay niya saka seryosong tumingin sa akin. “You’re in no position to know whatever I’m doing.” Nakakainis talaga! Bakit ganyan siya, napakasungit. Hindi manlang pag-isipan ang mga sasabihin sa akin. Talagang direct to the point, kahit manlang pampalubag loob sa akin ay hindi niya gawin. “Edi hindi ako maniniwala na may importante kang ginawa. Hindi mo masabi eh. You’re just making an excuse.” Nagsalubong na ang kilay niya sa akin at akmang sasaraduhan ako ng gate. Mabilis akong kumilos at hinarang ang aking katawan. Hanggang kailan ko ba gagawin ito!? Lagi nalang nila akong sinasarhan ng gate, hindi pa naman kami tapos mag-usap! “Kapag nasaktan talaga ako dahil sa lagi niyong pagsasara ng gate habang nag-uusap, mayayari talaga kayong dalawa ng gwardya mo!” “Will you please leave now?” “Ayoko! Ibalik mo muna ang tupperware ko.” Nagtagal ng ilang segundo ang kanyang tingin sa akin bago pumasok sa bahay. Sumunod ako sa kanya papasok. Nagulat siyang nasa tabi na niya ako habang naglalakad papasok ng bahay. Napahawak siya sa kanyang buhok at napailing na lang. Nakita namin ang gwardya niyang sinasalin ang pagkain sa kanilang lagayan. Kinuha ni Zandrick ang mga tupperware saka nagtungo sa kusina para hugasan iyon. Naupo ako sa hapag-kainan habang naghihintay. Masama kong tinitigan ang gwardya niyang nagbabantay sa akin. Ang tingin nito ay mapanghusga. Akala naman nito nanakawan ko sila! Ilang minuto akong nakipagtitigan ng masama sa gwardya bago lumingon kay Zandrick. Pinupunasan niya ito saka binalik sa loob ng paperbag. Inabot niya iyon sa akin. “Leave. Now.” Kinuha ko sa kanya ang paperbag ngunit hindi ako tumayo sa aking kinauupuan. Pumangalumbaba ako at binigay sa kanya ang aking cellphone. “Ibigay mo muna ang number mo sa akin, para kapag may emergency...” Tinapik niya palayo ang aking cellphone. Nagulat ako sa kanyang ginawa kaya hindi ko nahabol ang pagkabagsak niyon sa sahig. Agad ko iyong dinampot at tinignan kung may damage. Napahinga ako ng malalim nang makitang wala namang sira. Hinampas ko sa kanyang braso ang paper bag na hawak ko saka siya matalim na tinignan. “Alam mo, nakakairita ka na! Nanghihingi lang naman ako ng number. Iyong babae nga sa milktea shop, binigyan mo agad. Samantalang sa akin, ayaw mo?!” Muli ay hinampas ko siya. Nahuli niya ang aking kamay saka dinala sa labas ng gate. Pabalya niya akong binitawan. Halos mawalan ako ng balanse dahil sa ginawa niyang iyon. Naramdaman ko ang pag-iinit ng aking mata. Pahiyang-pahiya ako sa ginagawa niya. I was just trying to be his friend! “Don’t ever come back. I don’t want to see you again.” Malamig ang kanyang naging titig sa akin. Matapang ko iyong ginantihan kahit pa naiiyak na ako sa ginagawa niya sa akin. “I hate you!” Gusto kong sabunutan ang aking sarili. Gusto ko munang umiwas sa kanya ngunit ay may parte sa akin na gusto pa rin siyang makita. Kaso sobra ang nangyari noong isang araw. Hindi ko matanggap na nakakaya niyang gawin sa akin iyon. Parang wala siyang pakialam kahit na babae ako. Kulang na lang ay pisikal na niya akong saktan para lang lubayan ko na siya. Nakita kong nakanganga si Karen sa akin. Hindi siya makapaniwala nang ikwento ko ang lahat ng ginawa ko para lang magpapansin kay Zandrick. “Kamusta iyong kiss? Masarap ba?” Naiirita akong lumingon sa kanya. Hindi ako nakapagpigil at nabatukan ko siya. “Sa dami ng kwento ko, iyan lang ang natandaan mo?!” Ngumisi siya sa akin. “Hindi naman, pero iyon ang tumatak. So, anong balak mo? Titigilan mo na siya? Girl, hindi kita pinalaki ng ganyan. Hindi ka dapat basta-bastang susuko.” Umirap ako sa kanya at pumangalumbaba. “May sinabi ba akong susuko na ako? Magpapahinga lang muna ako at magpapalipas ng galit niya.” Ngumisi siyang muli saka tumawa. Napailing na lamang ako. Magpapa-miss na muna ako kay Zandrick. Labasan na namin ni Karen nang tumawag sa akin si Clark. Sinagot ko iyon habang naglalakad kami. “Hello?” “Vans! We’re here outside your university. Let’s eat outside.” Matinis na boses ni Clark ang bumungad sa akin. Lumingon ako kay Karen dahil pakiramdam ko ay narinig niya ang katawagan ko. Mabilis niyang nilapit ang kanyang tenga sa phone. Natatawa ako dahil habang naglalakad kami ay ganoon ang ayos naming dalawa. “Okay, palabas na ako...” Mabilis na humiwalay sa akin si Karen at bumulong. “Sabihin mo sasama ako.” Napangisi ako saka tumango. “Clark, sama natin si Karen ha.” Nakarinig ako ng sandamakmak na mura mula sa kabilang linya. Nakalabas na kami ng gate at natanaw namin ang kambal na nakasandal sa isang sasakyan. Nakaparada ito sa tabi ng aking sasakyan. Masama ang tingin sa akin ni Clark. Saglit siyang tumingin kay Karen at umirap. “Sinong nagsabing papayag akong sasama ka?” Clark crossed his arms while talking to Karen. She grinned at him. “Wala ka namang magagawa kasi sa sasakyan ni Vans ako sasakay.” Akmang lalapit si Clark sa kanya para sabunutan siya ngunit humarang ako. “Clark, stop it. She’ll mean no harm...” Tinapik ni Clerk ang balikat ng kambal ngunit mabilis na winaksi iyon ni Clark. “How sure are you? Matapos ng sinabi niyo sa akin noong nakaraan? My gosh! Hindi ako nakatulog ng gabing iyon. Grabe kinikilabutan nanaman ako!” Nagtatakang lumapit sa akin si Karen at nagtanong. I dismissed her and told her that I’ll tell it later. Hindi ko alam kung paano namin siya nakumbinsi ni Clerk ngunit pumayag na ito. Convoy ang aming mga sasakyan. Nauuna ang kambal sa amin at nakasunod kami ni Karen. Sa loob ng sasakyan ay kinulit ako ni Karen. “What is it?” I told her the details and she can’t stop herself from laughing. Maging ako ay napatawa. “Vanessa! Hindi ako makapaniwalang nasabi mo iyon... but why not, right?” Humagalpak kami ng tawa dahil doon. I knew it. Unang tingin pa lang ni Karen kay Clark ay alam ko na agad na hindi niya tatantanan ito. Mukhang magiging pareho ang kapalaran namin ni Karen. Talagang magkaibigan nga kami. Nakarating kami sa isang magandang restaurant. Sa labas pa lang ay kita ko na agad kung gaano kasosyal ang loob nito. High-class ang dating at ang mga kumakain sa loob ay mukhang may mga kaya din. Nauna ng maupo ang kambal sa isang lamesa at sumunod kami doon. Magkatapat na nakaupo ang kambal at parehong may bakante sa tabi ng mga ito. Kinawayan ako ni Clark at itinuro ang upuan sa kanyang tabi. Naramdaman ko ang paghawak ni Karen sa aking braso. Tumaas ang kilay nito at ngumisi. Napailing ako sa gusto niyang ipahiwatig. Lumapit kami sa lamesa nila. Dumiretso si Karen sa tabi ni Clark, at ako naman ay naupo sa tabi ni Clerk. Sobrang sama ng tingin sa akin ni Clark dahil sa ginawa ko. Biglang lumingkis si Karen sa kanya at agad niya iyong pinagtabuyan. “Don’t touch me!” Ang matinis na boses nito ay umalingawngaw sa buong restaurant. May iilang tao na napalingon sa aming banda kaya naman mabilis kaming humingi ng dispensa ni Clerk sa mga ito. “Ang arte mo naman, pahawak lang e...” Ngumuso si Karen dito at binigyan naman siya ng isang matinding irap ng bakla kong kaibigan. Lumapit ang isang waiter at binigyan kaming apat ng menu. I scanned the food and its prices. Hindi siya ganoon kamahal kumpara sa ibang mga five-star restaurants na nakakainan ko, but the ambiance, the class and the aura is the same. Kaya pala maraming kumakain dahil quality is served with a low guaranteed price. Nakakapagtaka lang at bakit ngayon ko lang nalaman ang tungkol sa lugar na ito. Maybe it’s a new restaurant. Isa-isa kaming umorder ng pagkain. Heavy meal ang inorder naming tatlo nila Clerk at Karen. For Clark, he ordered a vegetable salad and I’m not surprised. Hindi niya talaga balak sirain ang diet niya. Ngumiti ang waiter sa amin at nagtungo na sa counter. “A friend recommended this restaurant. Three months pa lang nang magsimula ito and it already boomed. Sobrang ganda ng mga reviews, either in the restaurant’s ambiance or the food itself. The staff are also very accomodating and the prices, it’s very affordable.” Nilibot ko ang aking tingin sa paligid. Maganda ang interior ng lugar at ang mga waiters and waitresses ay presentableng nakangiti sa mga customer habang kumukuha ng order. I saw some reactions of people tasting the food. Napapapikit pa ang mga ito at masayang kumakain. Mukhang masarap nga ang pagkain dito. “Isa din sa naging trademark nila dito is that every Tuesday, Thursday and Sunday, ang mismong may-ari ng restaurant, na isang chef ang nagluluto ng mga orders. Kaya nga ngayon ko kayo inaya para talagang maganda ang quality ng pagkain at mag-enjoy tayo. But now, paano iyon kung sinama mo ang kadiri mong kaibigan dito!?” Naiinis na sabi ni Clark. Hindi na natapos ang dalawa sa pagbabangayan dahil sa pangungulit ni Karen. I am seeing myself in her. Ang pinagkaiba lang ay mas mahirap suyuin si Clark dahil bakla ito. Mukhang matagal-tagal pang pangungulit ang dapat na gawin ni Karen para lang mapatuwid si Clark. Sa akin naman, si Zandrick, atleast he is still a guy. Maghubad lang ako sa harap niya ay tiyak akong magkakasundo na kami, ngunit siyempre ay hindi ako magpapakababa ng ganoon. I wanted to know him first bago dumiretso sa susunod na level at gusto ko ay may consent na niya iyon. Ayoko na ng sapilitan. It’s either he agreed to be with me or not. Ilang minuto lamang kaming naghintay bago dumating ang aming order. Excited kong tinikman ang aking pagkain at nang mangyari iyon ay ninamnam ko itong maigi. Sobrang sarap. Hindi tinipid sa ingredients kaya sobrang malasa. Compared to other restaurants, dito ko ata natikman ang pinakamasarap na version nitong pagkain na ito. The four of us were very quiet while eating. Ang tanging maririnig lang sa aming lamesa ay ang tunog ng pagtatama ng kutsara at pinggan. Kita ang satisfaction sa mukha ng kambal at kay Karen habang kumakain at nasisiguro kong ganoon din ako. Mukhang may paborito na akong restaurant na babalik-balikan ko. I will invite my family here once they got home. I’m sure Mom and Dad will enjoy the food here. Kahit ang pihikan kong kapatid ay masasarapan dito. I’m so confident. Nakangiti ako pagkatapos uminom ng tubig. I felt so happy. Nakakatuwa talaga kapag nakakain ka sa masarap na restaurant tapos ay alam mong sobrang ganda ng quality na pinapakain saiyo tapos ay hindi pa kamahalan ang presyo. Usually, it will take thousands of pesos for me to eat something delicious ngunit ito ay nasa hundred pesos lang, busog ka na at satisfied ka pa. “I’ll order for take-out. I’m inlove with this place! I’ll definitely go back here.” Masayang sabi ni Clark. Ganoon din ang ginawa naming tatlo. Habang naghihintay ay nagkwentuhan muna kaming apat. Pilit na kinakausap ni Karen si Clark ngunit hindi siya nito nililingon at sa amin lang nakaharap. Natatawa ako habang pinapanuod sila. “Pansinin mo nga ako.” Naiiritang sabi ni Karen. Hindi natinag si Clark at tumawa pa ito saka ipinagpatuloy ang kwento. “I’m very sure of it, type ako ng guy na naka-chat ko from Tinder. We’re planning to see each other in the following days...” Nangingising sabi nito. Sumama naman ang mukha ni Karen dito. Lumingon ako kay Clerk nang mapansing tahimik lamang itong nakangiti sa amin. “Ikaw, why don’t you try Tinder?” Hindi makapaniwala ang tingin sa akin ni Clerk. “Are you for real, Vanessa? You want me to use that dating app? Para lang iyan sa mga naghahanap ng past time or sex.” Matalim ang tingin ni Clark sa kanyang kambal dahil sa sinabi nito. “You’re offending me! So are you saying I’m looking for s*x?” Napahawak sa kanyang dibdib si Clark at umarteng nasasaktan dahil sa sinabi ng kanyang kambal. “No, I mean, not all okay? But the majority...” Hindi magkandaugaga si Clerk kung paano ipapaliwanag iyon sa kambal. Naiiling ako sa kanila habang nakangiti. Napalingon ako ng makarinig ako ng ilang bulungan. Maraming tao ang lumapit sa isang lalaking kakalabas lang ng staff area. Nakaputi ito at apron. Marami ang nakipagkamay dito. May katabi itong isang lalaki at ito ang kumakausap sa mga tao habang ang chef ay nakayuko lamang sa kanyang phone. Mukhang ito ang chef na may-ari ng restaurant na ito. Nanliit ang mata ko. Nakatalikod ito ngunit parang kilala ko ang hubog ng kanyang katawan. Nagulat ako nang tumayo si Clark at lumapit din doon. Pinanuod ko kung paano siya nakasingit sa mga tao hanggang sa nakaharap na niya ang chef. Itinuro ni Clark ang aming lamesa at humarap ito sa aming gawi. Hindi na ako nagulat ng si Zandrick iyon. Familiar na sa akin ang katawan nito kaya kahit pa malayo ito sa akin at nakatalikod ay kilala ko na. Nagtama ang aming tingin. Sabi ko ng iiwasan ko na muna siya para makapagpalamig ng ulo ngunit heto, nagkita nanaman kami. Nakita ko ang pagsasalubong ng kanyang kilay nang makita ako doon. Ano? Akala nanaman niya sinusundan ko siya? Coincidence ito at wala akong kaalam-alam na may sarili pala siyang restaurant at isa pala siyang chef. Wala naman siyang sinabi sa akin kaya paano ko malalaman? Mamaya ay iniisip nito na talagang stalker ako. Bumaling na ito sa mga kaharap niya at si Clark ay malalaki ang ngiti habang naglalakad palapit sa aming lamesa. “Ang gwapo pala ng may-ari ng restaurant. Gosh... turn-on na magaling siyang magluto. Kahit anong ipakain niya sa akin ay kakainin ko talaga...” Sumama ang aking tingin sa kanya dahil hindi ko nagugustuhan ang pinapahiwatig niya sa huli niyang sinabi. “Tumigil ka nga, bakla! Diyan ka na lang kay Karen, nanlalaki ka pa.” Hindi ko naitago ang pagkairita sa aking boses. Nagtatakang lumingon ang mga ito sa akin. Kahit si Karen ay hindi pa nakikita si Zandrick. Alam lang niya ang kwento ngunit hindi ko pa naipapakita dito ang lalaki. “Ang sungit mo ha? Bakit, kilala mo ba iyong si Mr. Villafuerte?” “Sino iyon?” Nagtatakang tanong ko dito. “Ang may-ari nitong restaurant. Hindi mo naman pala kilala, bakit nagmamaldita ka pa?” Sumimangot ako sa kanya. “Kilala ko siya! Siya iyong friend ko na taga-village. Si Zandrick.” Nagdududang tumingin sa akin si Clark. Napasinghap naman si Karen dahil kilala niya ito base sa aking mga kwento. “I don’t believe you. Bakit hindi mo alam na dito ang restaurant niya at ang buong pangalan niya kung friends kayo?” Tinignan ko siya ng masama at hinampas ang kanyang braso. “Hindi lang iyan makwento pero friends kami!” Hinawakan ako ni Clerk para kumalma. Hindi ko namalayan na nakatayo na pala ako dahil sa pagkairita. Nakalingon sa aming gawi si Zandrick at masama nanaman ang tingin niya sa akin. “Why is he not going here then? Kung magkaibigan kayo, he should have come here and greet you.” Nakangisi na sa akin ang bakla at tuwang-tuwa sa aking reaksyon. Inis na inis akong naupo at nakuntento na lamang na tignan siya ng masama. Nakauwi na ako sa bahay ng araw na iyon at sinikap ko ang aking sarili na manatili lang sa bahay. Pinilit kong magkulong lang sa kwarto kahit na kating-kati akong magpunta sa bahay ni Zandrick. Napabalikwas ako ng bangon nang maalala ang sinabi ni Clark kanina. Mr. Villafuerte. So, he is Zandrick Villafuerte? I tried searching for his social media accounts ngunit wala akong nakita. Articles lamang ang mayroon sa internet. Mayroon accounts na nababanggit ang kanyang pangalan ngunit sa purpose ng restaurant iyon. Hindi ko makita ang kanyang personal account. I also tried looking for a family background ngunit dahil nga baguhan pa lamang siya sa industriya ay wala pa gaanong details tungkol sa kanya. At kahit siguro sumikat siya ay nasisiguro kong hindi niya ipagbibigay ang mga pribadong detalye ng kanyang buhay. I have learned from experience. Imagine, ang tanging nalaman ko lamang sa kanya ay ang first name niya, ang bahay niya at ang kaalaman na wala siyang girlfriend. Duda pa nga ako sa huli dahil baka nagsisinungaling siya sa akin. Binitawan ko ang aking phone at nahiga muli sa kama. Iniisip ko kung darating ba ang panahon na mawawala ang inis sa akin ni Zandrick at magiging mabait ang kanyang pakikitungo sa akin. Pakiramdam ko naman ay pwedeng mangyari iyon ngunit matatagalan pa. Napahinga ako ng malalim. Nagpasya ako na matutulog na sana ngunit biglang nagring ang aking phone. Isa iyong unknown number kaya hindi ko na muna sinagot ngunit nang matapos ang pagring ay muli itong tumawag. “Hello?” Nakarinig ako ng buntong-hininga mula sa kabilang linya. Muli kong sinilip ang number ngunit hindi talaga familiar sa akin kung kanino iyon. “Vanessa, pauwi na ako diyan.” Muli ay napabangon ako nang marinig ang boses ni Kuya Vaniel. Hindi makapaniwala akong tumili. “Kuya! Nasa Pilipinas ka na? Where’s Mom and Dad?” Malalaki ang aking ngiti habang naghihintay sa kanyang sagot. “Wala pa sila Mom and Dad. Next week pa sila uuwi, nauna na muna ako.” Napangisi ako. “Wala na, Kuya. Dapat ay mas inagahan mo ang uwi. Nandito rin ang kambal at nakita sila ni Karen. Sobrang interesado si Karen kay Clark. Ikaw naman kasi, ang hina mo.” Narinig ko ang sandaling katahimikan sa kabilang linya. “Seriously, si Clark? Bakla iyon diba? I would understand if it’s Clerk... what the hell is wrong with her?” Napahalakhak ako. “Kahit kanino pa iyan, Kuya, wala ka paring chance. Kupad mo kasi!” Mapang-asar kong sabi. “Shut up! Ipahanda mo na ang kwarto ko at malapit na akong dumating. Yari ka talaga sa akin pag-uwi ko.”   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD