Malaki ang ngiti ko nang makauwi ako sa bahay ng araw na iyon. Akala niya siguro ay maiisahan niya ako. Siyempre ay hindi ako magpapatalo sa kanya.
Sa gabing iyon ay pinag-isipan ko kung ano ang dapat kong gawin sa kanya. May nabasa ako tungkol dito. Boys easily get annoyed with loud girls. Nakakaturn-off daw sa mga ito ang mga babaeng pinipilit ang sarili sa kanila. Siguro ay ganoon din si Zandrick kaya ganoon siya umasta sa akin. Sabi sa nabasa ko, dapat daw ay sanayin ko muna ang isang lalaki sa mga usual kong ginagawa. Kailangan kong hintayin na dumating ang araw na hindi na siya naiinis kapag kinukulit ko siya. Tipong wala na siyang reaksyon sa mga ginagawa ko dahil nasasanay na siya sa akin.
Kapag daw nangyari iyon, saka ako magpakabusy at hindi gaanong magparamdam. Sa ganoong paraan daw ay hahanap-hanapin nila ang babae at ito na mismo ang kusang lalapit. Napangisi ako. I want to try that on Zandrick.
I’m not playing games with him. Ang gusto ko lang naman na mangyari ay ang magkalapit kaming dalawa. I want to know him more to satisfy my curiosity on him. Sa tuwing mas nagiging misteryoso siya sa aking paningin ay mas lalo lang talaga ako nangangati na makilala siya. Bakit ba naman kasi ayaw niya akong pagbigyan!?
Kinabukasan, maaga akong gumising para magbilin sa mga kasambahay na magluto ng mga paboritong pagkain nila Clark at Clerk. Nakita ko ang hagikgikan ng iba dahil sa sinabi ko. Napailing ako. Naiintindihan ko kung bakit ganyan ang kanilang mga reaksyon.
May itsura naman kasi talaga ang kambal. Kung tutuusin ay gwapo ang mga iyon. Kahit si Clark, kaya nga napatulala sa kanya si Karen dahil kahit nakamake-up ito, litaw parin ang angking kagwapuhan nito. Lalo naman si Clerk, ang seryoso nitong mukha ay nakaka-attract ng mga babae. Hindi lang talaga ako apektado sa mga charisma nila dahil parang kapatid na ang turing ko sa dalawa at masaya ako na may kaibigan akong katulad nila.
Nagjogging ako sa labas para sa umaga na iyon. Masarap kasing maglakad-lakad at mag-exercise tuwing umaga sa aming village. Sayang nga lang at hindi ko iyon palaging nagagawa dahil maaga ang aking pasok. Sa tuwing off ko sa university ay kinukuha ko ang pagkakataon na iyon para makapag-jogging.
Habang maaga pa ay napagpasyahan ko na magtungo muna sa bahay ni Zandrick. Susubukan kong imbitahin siya sa bahay para kumain din kasama ng kambal. Alam ko naman agad na hindi siya papayag pero pipilitin ko siya. Kung ayaw pa rin ay sa kanila na lang ako mag-aalmusal. Basta ay kukulitin ko siya hanggang sa masagad ko ang pasensya niya.
Pinindot ko ang doorbell ng dalawang beses. Muling bumungad sa akin ang gwardya niya. Seryoso ang kanyang tingin at nang makitang ako iyon ay akmang sasaraduhan niya ako ng gate. Nanlaki ang mata ko at mabilis na iniharang ang aking katawan. Sinamaan ko siya ng tingin nang makitang wala siyang balak na itigil ang ginagawa at walang pakialam kahit maipit ako. Nagmana sa amo, ang sama ng ugali!
“Kuya! Isa ha, kapag nasaktan ako dito, irereklamo kita!” Bored siyang tumingin sa akin saka nagsalita.
“Edi magreklamo ka, sino ba ang trespassing dito?” Sumimangot ako sa kanya. Hindi talaga ito natitinag.
“Hindi naman ako trespassing, ha? I rang the doorbell twice, kung trespassing ako, dapat inakyat ko na itong gate niyo.”
“Oo nga, pero pinipilit mong pumasok ngayon. Trespassing ito.” Pilit ko siyang inabot para mahampas sa braso ngunit malayo siya sa akin.
“Bakit ba kasi ayaw mo akong papasukin?”
“Bilin ni Sir na kapag nagpunta ka ulit dito ay huwag kang papapasukin.” Nabuhay ang pagkairita sa pagkatao ko. Ang aga-aga ay ganito ang bubungad sa akin.
“Palabasin mo iyang si Zandrick. May pag-uusapan kami.” Naiinis kong sabi ngunit muli lang niyang itinuloy ang pagsara ng pinto. Dumikit na iyon sa aking harapan kaya napasigaw ako.
“Zandrick! Panagutan mo ang anak ko! Lumabas ka diyan. Hindi ako titigil dito hangga’t hindi mo ako hinaharap!” Mabilis na bumuka ang gate at pinatigil ako ng gwardya sa pagwawala. Napansin kong may mga sumilip na tao sa bintana mula sa mga malalapit na bahay. Karamihan sa mga iyon ay kilala ko. Kumaway ako sa kanila. Lahat sila ay natatawa habang naiiling sa aking ginagawa.
“Miss! Manahimik ka, nakakahiya kang babae ka!” Hindi malaman ng gwardya kung paano niya ako mapapatahimik. Ngumisi ako.
“Zandrick, walanghiya ka! Matapos mo akong makuha, bigla ka nalang hindi nagpakita! Panagutan mo ako.”
“Miss! Ano ba?!” Nanggalaiti na sa akin ang gwardya pero wala naman akong pakialam sa kanya. Nagliwanag ang aking mukha nang makita si Zandrick palabas ng bahay. Galit na galit ito at madilim ang mukha habang nagmamartsa palapit sa akin.
Umayos ako at ngumisi sa kanya nang makarating siya sa gate.
“Hi, Zandrick!” Sinabi ko iyon sa pinaka-cute at malambing kong boses. Hindi natinag ang kanyang mukha. Ganoon pa rin ang itsura niya. Pakiramdam ko ay gusto na niya akong isako at itapon ang aking katawan sa lawa sa sobrang pagkairita sa akin.
Nakayuko siya habang madiin na nagtype sa kanyang phone. Nakakaawa nga ang screen dahil baka sa sobrang diin ng kanyang pagpindot doon ay mabasag. Nang matapos siya ay galit niyang hinarap ang phone sa akin.
“What the hell are you doing!?” Ngumisi ako sa kanya.
“Ayaw kasi akong papasukin ng gwardya mo eh... edi gumawa na lang ako ng paraan para lumabas ka.”
“Umalis ka na dito. Nagdadala ka ng kahihiyan dito sa bahay ko.” Hindi ko pinansin ang kanyang na-type sa phone.
“I want to invite you in my house. Nagpahanda kasi ako ng lunch for my friends and I want you there because you’re also a friend.”
“We’re not! Hindi ako pupunta kaya umalis ka na.”
“Pumunta ka na, ano bang paborito mong pagkain para maipaluto ko na rin.”
“I’m not going.”
“Mga 11:30 ka magpunta ha.” Napasabunot siya sa kanyang buhok saka muling nagtype.
“Ang kulit mo! Hindi nga ako pupunta.” Sumimangot ako.
“Masamang tumatanggi sa ganitong pag-aya. Kaya pumunta ka na.”
“I am not going and that’s final!” Tinalikuran niya ako. Lumingon sa akin ang gwardya saka ngumisi. Akmang isasara na ulit niya ang gate ngunit muli akong sumigaw.
“Mga kapitbahay! Ayaw niyang panagutan ang anak ko. Napakawalanghiya mo, Zandrick!” Galit siyang lumingon muli sa akin. Mabilis siyang naglakad sa aking pwesto saka niya ako hinila papasok sa kanyang bahay. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin. Medyo masakit iyon dahil sa sobrang pagkainis niya sa akin.
Pagkapasok ng bahay ay pabagsak niyang sinara ang pinto at pinakawalan ako. Naglakad-lakad siya habang ilang beses na huminga ng malalim. Kinakalma niya ata ang kanyang sarili para hindi makagawa ng masama sa akin ngayong mag-isa lang kami sa loob ng kanyang bahay.
Hindi ko alam ngunit hindi ako nakaramdam ng takot ngayong nasa bahay ako ng isang estrangherong lalaki. Dapat ay kinakabahan na ako dahil baka may gawin siyang masama sa akin lalo pa at hindi ko pa naman siya lubos na nakikilala ngunit hindi. Magaan ang pakiramdam ko sa kanya at sobrang panatag ako na wala siyang gagawing masama sa akin. Mukha naman kasi siyang mabait, sinasagad ko lang talaga palagi ang kanyang pasensya kaya lagi siyang galit sa akin.
“Ikaw naman kasi, pumayag ka na kasi na magpunta sa bahay. Para nga makahalubilo ka naman sa ibang tao. Hindi magandang wala kang kakilala sa village na ito, para kung nangailangan ka, atleast may malalapitan ka, tulad ko.”
“I won’t be needing anyone’s help. Makinig ka sa akin, hindi ako pupunta doon kaya umalis ka ng maayos dito sa bahay ko at huwag ka ng gumawa ng eskandalo.” Umiling ako at determinadong tumingin sa kanya.
“Nope. I’m not going home until you agree to me.” Umalis ako sa harap niya at naglibot sa kanyang bahay.
Simple lang ang interior ng bahay. Halatang isang lalaki ang nakatira. Hindi karamihan ang gamit niya doon. Siya lang ba ang nakatira dito?
Nagtungo ako sa kusina. Napanganga ako doon. Kung sa sala ay plain at ang boring tignan ng interior, bawing-bawi naman sa ganda ang kusina. Lahat ng kitchen utensils at mga machine na panggamit sa pagluluto ay maayos na nakadisplay doon. Sobrang linis din ng lugar na iyon. Napakaraming hindi pamilyar na mga kasangkapan doon sa pagluluto. Lumapit ako sa isang lamesa na gawa sa marmol, malamig iyon at katabi niyon ang lutuan at ang lababo. Katapat niyon ay isa pang patungan. Doon naman nakalagay ang mga mixers at iba pang gamit sa pagluluto.
Napansin kong mayroong hindi tapos na hinihiwang sibuyas doon sa lamesa. Nag-angat ako ng tingin saka namamanghang napatingin sa kanya.
“You love to cook?” Hindi niya ako sinagot at sa halip ay hinila niya ako palayo doon. Masama ang kanyang tingin sa akin.
“Umalis ka na! Don’t test my patience, woman!”
“Hindi nga sabi ako aalis hangga’t hindi ka pumapayag.” Lumapit siya sa akin at isinandal ako sa pinto.
“Stop this nonsense. I told you I will not play with you.”
“Hindi naman ako nakikipaglaro sayo. I truly want to be your friend. Alam mo, kapag lalo kang nagmatigas sa akin, lalo lang akong hindi titigil sa pangungulit sayo.”
“I don’t want to have a friend like you. You’re so annoying!” Ngumisi ako sa kanya. Ang tibay talaga. Sobrang hirap mapapayag.
“Pumayag ka na kasi!” Napapikit siya saka tumingala. Mabilis ang paghinga niya bago tuluyang bumaba ang kanyang tingin sa akin.
“Fine! Just this one, and you’ll leave me alone.” Malalaki ang aking ngiti sa kanya. Nagkibit-balikat ako sa sinabi niya dahil hindi naman ako titigil pagkatapos nito. Atleast ngayon alam ko ng kaya ko siyang mapaoo bandang dulo ng aking pangungulit sa kanya.
Salubong ang kanyang kilay saka muling hinarap ang kanyang cellphone sa akin.
“Promise me!” Umiling ako sa kanya.
“Nope. Titigil lang ako sa pangungulit sayo if you accepted me as your friend. Also, hindi iyon nagtatapos doon, dapat ay ituring mo talaga ako bilang kaibigan. Dapat mabait ka sakin, tapos bibigay mo rin sa akin ang number mo. Hindi ka magagalit kapag bigla-bigla akong susulpot dito sa bahay mo at kusang loob mo akong papasukin.” Hindi makapaniwala ang kanyang tingin sa akin.
“Are you f*****g insane?!” I crossed my arms while looking at him. Mapanghamon ang aking tingin sa kanya. Let’s see.
“Ayaw mo? Then bear with me, hindi kita titigilan. Nakita mo naman ako ngayon diba, kahit anong gawin mo, you’ll end up agreeing with me. I will expect for you later.” Tinalikuran ko siya saka taas noo na naglakad papunta sa gate. Nakita ko doon ang gwardya. Ngumisi ako sa kanya saka tuluyang lumabas.
Malaki ang aking ngiti habang nagjogging pauwi. Hindi siya makakapalag sa akin. Makakagawa ako palagi ng paraan para mapapayag siya.
Pagkarating ko sa bahay ay nagsisimula ng magluto sila Manang. Napangiti ako ng maamoy ang pagkain. Kare-kare iyon. Paborito ni Clerk. Lumapit ako sa kanila at nakitang malapit na ring maluto ang ilang putaheng gulay para kay Clark. Hindi kasi siya gaano mahilig sa karne. Nakakasira daw iyon ng diet kaya more on vegetables ang kanyang kinakain. Nagpadagdag pa ako ng isang ulam para kay Zandrick.
Nagtaka ang mga ito kung sino siya ngunit ngumiti na lang ako sa kanila. Makikita din naman nila ito mamaya. Nakaramdam ako ng matinding excitement dahil pupunta si Zandrick mamaya. Isa iyong achievement. Kahihiyan din ang natanggap ko para lang mapapayag siya. Mabuti na lang ay magaling akong mangumbinsi.
Nang malapit na ang tanghalian ay umakyat na ako para makapag-ayos. Matapos maligo ay nagmadali ako sa pagbibihis dahil nakarinig na ako ng doorbell. Hindi ko alam kung ang kambal na ba iyon o si Zandrick.
Malaki ang aking ngiti habang pababa ng hagdan. Bumungad sa akin ang kambal. Pareho nila akong niyakap ng mahigpit. Lumingon ako sa pintuan para silipin kung dumating na ba si Zandrick ngunit mukhang wala pa siya. Napansin ko ang panunuod sa akin ni Clerk.
“Are you expecting someone?” Tanong nito. Bumaling sa kanya si Clark at hindi nagtagal ay tumingin pabalik sa akin.
“Yes... I invited my new friend. Bago siya sa village kaya naisipan kong imbitahan din siya dito para mas makilala ko pa at siyempre para makilala niyo na rib.” Lumiit ang mata sa akin ni Clark.
“Sure? Baka naman may boyfriend ka na pala ha?” Humalakhak ako ng malakas sa sinabi niya.
“Wala pa. Pero pakiramdam ko malapit na.” Nakangisi kong sabi. Seryoso ang mukha sa akin ni Clerk. Napansin ko ang bahagyang pagsulyap ni Clark sa kanya bago ngumisi sa akin.
“Bruha! Sino iyon ha? Gwapo ba iyan ha?” Tumaas ng dalawang beses ang aking mga kilay saka ngumisi. Biglang tumili ang bakla saka kinurot ako sa braso.
“Akin na lang, girl! Dito ka nalang kay Clerk, tapos sa akin na iyang boylet mo.” Kumunot ang aking noo. Anong pinagsasabi ng baklang ito?
Tama bang ireto sa akin ang kambal niya? Napailing ako. Halos kapatid ko na sila tapos naiisip niya ang bagay na iyan. Hindi ko maimagine ang sarili ko na magkakagusto sa isa sa kanila, lalo na sa kanya. Mahal ko silang dalawa ngunit hindi sa punto na gugustuhin ko silang maging boyfriend.
Inaya ko sila patungo sa lamesa dahil pasado alasdose na. Habang kumakain kami ay panay ang lingon ko sa labasan ng bahay. Nag-aabang din ako ng magdodoorbell ngunit natapos na lang kaming kumain ay walang Zandrick na dumating.
Bagsak ang aking balikat pagkaupo sa sala. Si Clark ay prenteng nakaupo sa sofa habang ang mga paa niya ay nakapatong sa lamesa na nasa harap namin. Busy ito sa paghahanap ng magandang palabas sa telebisyon habang si Clerk naman ay umupo sa aking tabi. Nagtama ang aming mata.
“Mukhang hindi ka masaya na nandito kami.” Nahimigan ko ang lungkot sa boses ni Clerk. Napailing ako sa kanya at ngumiti.
“Ano ka ba naman? Siyempre ay masaya ako na nandito kayo, medyo disappointed lang ako kasi hindi dumating ang isa ko pang kaibigan...” Dinagdagan ko pa naman ang pinaluto ko para sa kanya tapos hindi siya sisipot. Sayang naman ang mga iyon.
Nagliwanag ang aking mukha nang may maisip akong bagong idea. Kapag umuwi na ang kambal ay dadalhin ko sa bahay niya ang pagkain. Tapos ay magwawala ako sa kanya kung bakit hindi siya nakapunta. Siguraduhin niya lang na maganda ang dahilan niya kung hindi ay mayayari talaga siya sa akin.
Tinanggal ko muna sa aking isip si Zandrick at nagfocus sa kambal. Nakahanap si Clark ng isang movie channel at sunod-sunod naming pinanuod ang mga palabas doon. Inenjoy ko ang oras na magkakasama kami.
Napansin ko ang pagginhawa ni Clerk dahil nakitang okay na ako. Tumango ako sa kanya at ngumiti.
“Clerk, wala ka pa ring girlfriend? Sigurado ka ba talaga na hindi ka bakla?” Mapang-asar kong tanong dito. Humalakhak si Clark at lumingkis sa akin.
“Hindi na magkakaroon ng girlfriend iyan, magpapari na ata.” Sumama ang tingin sa amin ni Clerk kaya nagtawanan kami.
“Hindi nga ako bakla. Saka wala pa kasi akong nagugustuhan kaya hindi ako nagkakaroon ng girlfriend. Do you want me to play around with girls until I found the one just to make you believe that I’m not gay?” Ngumuso ako at umiling.
Isa ito sa hinahangaan ko sa aking kaibigan. He is the serious type and one-woman man. Sobrang swerte ng babaeng magugutuhan niya dahil napakatino nito. Imagine, hindi pa siya nagkakaroon ng girlfriend, no flings and no sidechicks. It’s a good points for a man. Nakakaturn-on iyon kung ganoong klase ng lalaki ang makakaharap mo.
“Ang swerte ng babaeng mamahalin mo. Sobrang pihikan mo sa babae kaya dapat kapag nakita mo na ang hinahanap mo ay ipakilala mo sa akin ha?” Nagtagal ang kanyang tingin sa akin bago ngumiti saka tumango.
Sunod ko namang hinarap si Clark. Tumaas ang kilay niya at umirap. Mukhang alam na agad niya kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Tuwing umuuwi kasi sila ay ganito lagi kami. Kakamustahin ko sila sa buhay nila at magtatanong ng kung ano-ano.
“Bakla ka na talaga, for life?” Mahina niya akong sinabunutan dahil doon. Napatawa kami ni Clerk.
“Sis, everytime na lang ay tinatanong mo iyan. Hindi ka ba napapagod magtanong? Para naman laging bago. Of course! I’ll be gay for the rest of my life!” Taas noo niya iyong sinabi at confident pa habang nakatingin sa akin.
“Huwag kang magsalita ng tapos, bakla. Mukhang tipo ka ng bestfriend ko. Baka mamaya ay mapadiretso niya iyang hotdog mo...” Tumawa kami ng malakas ni Clerk dahil sa pandidiri sa mukha ni Clark. Para bang may sinabi akong napakasama at hindi karapat-dapat. Nanggigil siyang lumapit sa akin at kinurot ang aking pisngi.
“Bastos ka! Gosh, kilabutan ka nga! Nakakadiri ka.” Hindi ko mapigilan ang aking pagtawa kaya hinampas hampas niya ako. Sinikap kong mapigil iyon saka siya tinitignan ng masama dahil medyo mabigat ang kanyang kamay.
“Bakit, hindi naman imposible? Kilala ko si Karen. Kaugali ko iyon. Kapag may gusto, ginagawan ng paraan para makuha niya ang gusto niya. At sa tingin niya sa iyo kahapon, alam ko na agad na hindi ka tatantanan ng babaeng iyon habang nandito ka sa Pilipinas.” Nakita ko ang takot sa kanyang mukha ngunit nangingibabaw pa rin sa kanya ang pandidiri. Inirapan niya akong muli saka sinabunutan.
“Tigilan mo ko, Vans!”
Nanuod kaming muli ng isa pang movie at nang matapos iyon ay nagpaalam na silang uuwi na. Inaya ko nga ito na dito na muling maghapunan ngunit tumanggi ang mga ito dahil may aasikasuhin pa raw sa negosyo.
Si Clark ay may sariling make-up line kaya talagang abala ang baklang ito dahil sarili niya iyong kumpanya at wala siyang katulong sa pagpapatakbo niyon sa kanilang pamilya. Si Clerk naman ang nag-manage ng negosyo ng kanilang pamilya. Mayroon silang sikat na construction company sa Canada. Siya na ang namamahala niyon ngunit minsan ay tumutulong pa rin ang kanilang mga magulang sa kanya kaya kahit papaano ay hindi kasing bigat ng trabaho ni Clark ang trabaho nito.
Pagkaalis nila ay pumasok ako sa bahay at nagtungo sa kusina.
“Manang, yung tupperware po ng mga ulam, nakahanda na?” Lumabas mula kung saan si Manang at inabot ang paperbag na naglalaman ng tatlong tupperware. Napangiti ako at nagpasalamat dito saka nagtungo sa bahay ni Zandrick.
Nagdoorbell ako ng dalawang beses. Muli ay bumungad sa akin ang kanyang gwardya. Walang emosyon ang mukha nito saka akmang sasaraduhan ako ulit ng pinto. Hinarang ko ulit ang aking katawan saka masasama ang tingin na ibinigay sa kanya.
“Nasaan si Zandrick?” Lumingon siya sa kanyang likod at gumilid. Nakita ko si Zandrick na seryoso ang mukha habang naglalakad palapit sa akin. Binuksan niya ng malaki ang gate. Bumaba ang kanyang tingin sa paper bag na hawak ko. Nakasimangot akong tumingin sa kanya saka inabot iyon.
Agad niya namang kinuha iyon at inabot sa gwardya. Muli siyang humarap sa akin.
“What are you doing here?” Hindi makapaniwalang tumingin ako sa kanya.
“Excuse me? Nakalimutan mo bang hindi ka sumipot sa usapan natin? Pumayag kang magpunta sa bahay!” I crossed my arms while looking at him.
“You forced me to agree. That’s different.”
“Kahit na, ang mahalaga ay pumayag ka. Ganyan ka ba ha? Wala kang isang salita.” Nagsalubong ang kanyang kilay saka yumuko at nagtype sa kanyang phone. Maya-maya pa ay hinarap niya sa akin iyon.
“I did something more important than going to your place a while ago.”
Sumimangot ako. Nakakainis! Wala talagang pakialam ang lalaking ito kahit nagmukha akong tanga sa paghihintay sa kanya.