Dinala sa operating room si Zeke at si Vane para maisagawa ang transplant. Halos hindi ako mapakali habang naghihintay sa labas. Tinawagan ko na sila Kuya para ipaalam sa mga ito ang nangyari. Hindi ko alam kung dapat ko rin bang sabihan ang mga Tuazon. Wala pa silang alam kaya alam kong mabibigla sila. Hahayaan ko na lang sigurong si Zeke na ang bahalang magsabi. Napalunok ako. Alam kong hindi ako palalampasin ni Zeke. Whether I like it or not, we will have to talk about it. Ngayon pa lang habang iniisip iyon ay natatakot na ako. Gusto ko biglang takbuhan ang nagawa ko. Noon ay napakatapang ko pa nang magdesisyon akong itago sa lahat ang tungkol sa anak ko ngunit ngayon ay para akong naduduwag. Natatakot akong harapin ang galit niya. Alam ko, wala siyang kasalanan at pareho lang kam

