Napanganga ako sa sinabi niya. “B-But…” Sinamaan niya ako ng tingin. “What?” Galit nitong sabi. “Okay naman kami sa condo, you can visit us there. I’ll give you the address.” Panghihikayat ko dito. Hindi basta-basta ang gusto niyang mangyari. Hindi ko nga alam kung maayos na ba kami ulit o hindi tapos gusto niyang magsama kami sa bahay niya? “Kung ayaw mo, maiwan ka sa condo at dadalhin ko si Vane sa akin. Mabilis akong kausap, Vanessa.” Malamig nitong sabi. Napasinghap ako. “You can’t do that to me! I’m his mother and legal guardian. Hindi mo siya pwedeng ilayo sa akin.” Kinakabahan kong sabi dito. Napatahimik kami sandali nang gumalaw si Vane. Agad itong dinaluhan ni Zeke bago matalim na tumingin sa akin. “Gusto mong paabutin natin ito sa korte? It’s fine with me. But I’m offe

