Chapter 1
Nandito ako ngayon sa Assassin's Underground kasama si Jenny. May mga asawa na ang apat naming kaibigan pero kami ni Jenny, hinahunting pa namin ang aasawahin namin.
"Boring ng buhay natin buti pa iyong apat masaya na sila." natatawang sabi ni Jenny.
Tumawa na lang ako rito.
"Kinuha ako isa sa mga body guard ng anak ng isang mayamang negosyante," saad ko rito.
"Buti ka pa. Si Doc Garret muna ang babantayan ko baka masalisihan ako ng mga haliparot na nakapaligid kay Doc." ngisi na saad ng kaibigan ko.
"Wala kang duty?" tanong ko rito.
"Leave ako ng 6 months, pahinga muna." seryosong saad niya. "Ikaw?" tanong niya.
"On leave rin, kaya katulad mo babantayan ko rin si Ace Ivan." nakangising saad ko.
"Nandito kagabi si Caden Salvacion, parang kinausap si Geo." aniya na lumagok ito ng alak.
Si Geo ang namamahala sa underground dito, lahat ng appointments sa kan'ya rin ito dadaan.
"Baka about sa business niya," saad ko naman. "Uwi na tayo." aya ko kay Jenny.
Dito lang umiikot ang buhay ko. Sa trabaho, minsan napasok ako sa school pero minsan hindi rin, at dito lagi ako nakatambay sa underground.
Wala akong pamilya dito. Ako, si Jenny at si Kelly, nasa ibang bansa ang aming mga pamilya.
Pero may mga negosyo ako dito sa Pilipinas. Isa na dito ang pagbibinta ng mamahaling sasakyan.
Sa Isang araw magsisimula na ako magtatrabho sa anak ng isang negosyante na, si Ace Ivan Smith.
Noon pa lang gusto ko na sa lahat na magkakaibigan si Ace. Ang pinakatahimik sa kanila, kaya agaw atensyon ito sa akin.
May kasabihan nga tayo, ang pinakamatahimik iyon ang pinaka-wild.
Baby Ace, see you soon love. Kung hindi kita makuha sa santong dasalan, idaan na lang kita sa santong paspasan!
Dahil wala pa akong hindi nakukuha, at ikaw ang gusto kong kunin kahit sa marahas na paraan.