Mag-alas singko na ng hapon ako gumising,umalis daw sila Mommy at Daddy,si Ace naman nasa office pa .Kumain lang ako ng mabilisan at umalis na rin. Nagkita kami ni Ann sa bahay mismo ni Dr.Garret. "Saan tayo dadaan?"-Tanong sa akin ni Ann. "Sa bintana"-natatawang sagot ko dito. "Gawain mo na talaga iyan,bilisan na natin baka maabutan akong wala sa bahay "-saad nito na umikot na kami sa likod ng bahay ni Doc. "Ay putang ina naman oh!Pagkataas naman ng akyatin"-reklamo ni Ann na tumawa naman ako. Para sa akin hindi naman mahirap,sanay naman kami sa ganito.Minsan din kaming tatlo naging akyat bahay gang pag may mission kami sa mga bibigating negosyante. Nag umpisa na kami umakyat ni Ann,siya pa nga mabilis naka akyat,may terrace ang kuwarto ni Doc . kaya bukas isang pinto kung saan pat

