Pinitik niya sa noo ang dalaga kaya napangiwi ito. Agad niyang inalis ang tingin niya kay Laureen bago mabilis na ininom ang tubig niya. "Aray ko naman! Makapitik ka naman diyan wagas! Pitikin ko itlog mo eh!" asik sa kanya ni Laureen. Namula ang mukha ni Lazarus. "Umayos ka nga? Iyang bunganga mo kahit saan na lang! Wala ka sa kanto!" Pinandilatan niya ang dalaga habang tinarayan lang naman siya nito. "Ang dami mong kaartehan sa buhay! Kahit mayaman o mahirap, iisang lugar lang ang patutunguhan! Sa hukay! Sa ilalim ng lupa!" "Tsk! Napakaingay ng bunganga mo. Mukhang okay ka na. Kailngan mo pa ba ng gamot?" "Hindi na. Nagutom lang pala ako. Salamat sa food! Nabusog ako ng sobra. So yummy! Mahal 'to 'no? Nakamagkano tayo? Malaki ba ang ibabawas mo sa sahod ko?" "Sinabi ko bang ibabawa

