"Mukhang normal naman iyong ex mong si Kyra na may pagka-abnormal ng slight. Pero wala naman akong tiwala sa kanya. Hindi ko sigurado kung talagang naka-move on na siya sa iyo. Pero kahit na ganoon, hindi naman ako kinakabahan o ano. Dahil kapag nagloko ka, hihiwalayan kita kaagad 'no. Mahirap lang ako pero maganda at masarap ako," mayabang na sabi ni Laureen sa kanyang nobyo. Tumawa si Lazarus. "Hindi ko magagawang magloko. Pero paano mo nasabing normal naman siya?" "Maayos siyang kausap. Bihira ka lang namin maging topic. At hindi tungkol sa relasyon niyo ang usapan namin. Eh 'di ba kadalasan sa mga ex, paawa? At iyong gustong pag-usapan tungkol sa inyo dati? Hindi naman siya ganoon. Hindi pa ako sigurado kung talagang gusto niya akong maging kaibigan o ano eh. Pero kasi parang nakakap

