Chapter 61

1637 Words

THIRD PERSON'S POINT OF VIEW Busy sa papeles si Kendric ng biglang pumasok ang kanyang secretary. "Sir, nandito si Sir Arthuro," anunsyo ng kanyang secretary na kinaalerto naman niya. "Papasukin mo," seryosong sabi niya. 'Ano na naman kayang plano ni Tito? Manggugulo na naman ba siya?' tanong niya sa isip niya. Mayamaya pumasok ang kanyang Tito Arthuro, nagtaka siya ng makita niyang may binata na kasunod nito. Sa kabilang banda hindi rin maiwasan ni Constantina na magulat ng makita niya si Kendric. 'So, pamangkin niya si Kendric? Ang liit nga naman ng mundo' "Anong kailangan mo?" tanong ni Kendric dito. Ngumiti naman ito sa kanya. "Iyan agad ang bungad mo sa akin? Wala man lang hello?" Mas naging seryoso naman siya. "Marami pa akong gagawin kaya sabihin mo na ang kailangan mo."

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD