CONSTANTINA'S POINT OF VIEW "Wahh, Mommy snow," masayang sabi ni Thunder pagkarating namin ng Japan. Nakasakay na kami ngayon sa taxi papunta sa binili kong bahay, dalawang taxi ang sinakyan namin, kami nina Kuya dito sa isang taxi at sina Mama ang nasa isa, nauuna ang taxi namin dahil ako ang nakakaalam ng bahay. "Maganda ba?" tanong ko habang inaayos ang buhok niya na nagulo sa suot niyang cup kanina. "Yes, Mommy, gusto ko ng maglaro sa snow," masayang sabi niya. "I know but we need to rest first para may lakas kang maglaro bukas okay?" sabi ko. "Okay, Mommy," masayang sabi niya pagkatapos tumingin ulit sa bintana. Hindi naman traffic dito gaya sa pilipinas kaya madali lang kaming nakarating sa bahay. Magandang location ang nabili kong bahay, medyo malayo siya sa city gusto ko kasi

