THIRD PERSON'S POINT OF VIEW "Tambay na muna tayo sa library habang hindi pa nag uumpisa ang klase," sabi ng isang matipunong lalaki. Kita pa lang sa mukha niya ay talagang lapitin na siya ng mga babae. Clean cut ang buhok niya, matangos ang ilong, maputi ang ngipin at may dimples na mas lalong nagpapakilig sa mga babae, maputi rin ito dahil sa pagiging half british niya. May tangkad siyang 182 cm. He's Terrence Hendrix, 23 years old. "Ano naman ang gagawin natin sa library?" sagot naman ng katabi ni Terrence, gaya nito ay lapitin din ito ng mga babae. Comb over ang hairstyle ng buhok niya, matangos ang ilong at maputi ang ngipin. Half Spanish at may height na 183 cm. He's Griffin Granger, 23 years old. "Tambay nga diba? Alangang tumambay tayo sa garden eh gabi," sagot ni Terrance dito.

