CONSTANTINA'S POINT OF VIEW SALAMAT kay Casimir naging tahimik ang buhay ko this past few month, wala ng nagbabalak na kalabanin ako pero hindi pa rin mawawala ang masasamang tingin nila, mas marami na nga sila kesa nung dati pero kapag kasama ko si Casimir hindi nila nagagawang samain ako ng tingin. "Ang habang mo na ano?" Napatingin ako sa nagsalita, si Jenny ang secretary ni Casimir. Wala si Casimir ngayon nag punta siya sa ibang school dahil may meeting sila doon kaya nandito ako ngayon sa garden para makapagpahinga. "What do you mean?" takang tanong ko sa kanya. "Porket pabor sa 'yo si President ang yabang mo na," sabi niya. Napakunot naman ako ng noo. "Mayabang? Ako? Kelan ako nag mayabang?" tanong ko sa kanya "Dahil pabor sa 'yo si President," sagot niya. "Then? Anong meron

