CONSTANTINA’S POINT OF VIEW “Wow, talagang inaraw araw mo ng pagpunta dito ano?” sabi ko sa lalaking nasa harapan ko. “Ayaw mo naman kasing pumunta sa bahay,” sabi niya habang may laman pa ang bibig niya. “Sabi ko nga busy ako diba?” sabi ko. “Kaya nga ako na ang pumupunta dito diba?” sagot niya. Napa hampas na lang ako sa mukha sa sinabi niya. Ewan ko ba sa lalaking ito, hindi pa kami ganun magkakilala feeling close na siya, porket pinagbigyan ko siya na sumama ako sa party. Oo, si Kendric ito, araw araw itong pumupunta sa tinitirhan ko para lang manggulo at mula ng matikman niya ang luto ko nakikikain na rin siya. Nung una kasi gusto niya na pumunta ako sa bahay niya pero tinanggihan ko, hindi dahil sa ayoko ng issue pero hindi ko naman siya ganun ka kilala kaya bakit ako pupunta sa

