CONSTANTINA’S POINT OF VIEW “Totoo ba iyon sir?” hindi makapaniwalan tanong ni Sir. Nico. “Yes, kinausap ng may ari ng school ang head master, sinabi niya na babaguhin na niya ang patakaran, makakalabas na ang mga students at teachers kada holidays at bakasyon,” sabi ni Sir. Richard. Hindi kami makapaniwala sa sinabi niya lalo na ang mga co-teachers ko, sino ba kasing hindi magugulat. Isang dekada ng pinapatupad iyon hindi pwedeng lumabas ang mga students hangga’t hindi sila graduate tapos biglang mag a-announce na maari na kaming lumabas. “Bakit bigla yatang nagbago ang isip ng owner?” tanong ni Ma’am Gabriella. “Hindi rin namin alam basta nag announce lang siya bigla,” sabi niya. “Well, kung ano man ang dahilan niya hindi na mahalaga iyon, at least makakalabas na rin tayo dito,” ex

