CONSTANTINA’S POINT OF VIEW “Buti nakarating ka na Mr. Aphelion,” sabi ng isang lalaking nasa mid 50’s. “Akala ko hindi ka na dadalo.” “Hindi na nga sana dahil wala akong mahanap na partner ko mabuti na lang naalala ko itong magandang babaeng ka date ko ngayon,” sabi niya. Tumingin naman sa akin ang kausap niya kaya nginitian ko siya. “Kahit naka maskara siya kitang kita kong maganda siya pero bakit nakasuot siya ng maskara?” tanong nito. “Ayoko kasing maagawan kilala mo naman ako, hindi ako marunong mag share,” biro ni Kendric. Tumawa naman ito. “Hindi ka pa rin talaga nagbabago,” sabi nito pagkatapos nagpakilala siya sa akin. “Ako nga pala si Victor Aquillar, kaibigan ako ng Dad ni Kendric.” “Hello, I’m…” Hindi ko natuloy ang sinasabi ko ng putulin ni Kendric ang sinasabi ko. “Ju

