CONSTANTINA’S POINT OF VIEW Pumayag ng pumunta ang mga estudyante ko sa Christmas party kya naman tumawag ako kay Catherine para bumili ng mga ireregalo ko, wala naman kasi dito ang mga gusto kong iregalo sa kanila. Ipapadala ko na lang sa tauhan ni Zack. Nagpabili rin ako para sa mga co-teachers ko. Mabilis lang naman naipadala ang mga binili ko, hindi pa nakabalot dahil gusto ko ako ang magbabalot. Pare-parehas ang binili kong regalo sa mga students at co-teachers ko dahil hindi ko naman alam ang mga gusto nila, silver wrist watch at gold necklace ang ireregalo ko sa kanila para magamit nila lagi. Madaling araw na ako natapos magbalot ng mga regalo, na enjoy ko naman dahil gustong gusto kong magbalot ng mga regalo. Ayos lang naman mag puyat dahil wala ng pasok, hjindi rin naman kamin

