THIRD PERSON'S POINT OF VIEW Kaharap ngayon ng grupo nina Lennox ang kalaban nila. Makikita mo sa galaw nila ang pagiging mayabang dahil kung tignan sila ng mga ito ay parang minamaliit lang sila. "Wala na ba kayong mahanap na magiging ka grupo niyo at kumuha na lang kayo ng first year? Mahihina na ba kayo?" pang iinsultong sabi ni Jonas ang leader ng kalaban nina Lennox. "Oo nga tapos kinuha niyo pa mukhang hindi naman kayang magbukas ng takip ng bottled water," sabi ni Franco pagkatapos ay tumawa pero nahinto ang pagtawa niya ng makitang nakangitin at nakangisi lang si Lennox sa kanila. "Anong tinitingin tingin mo ha?" Galit na sabi nito. "Why? Bawal?" inosenteng sagot ni Lennox na mas lalong kinainis ng kalaban nila. Hindi naman maiwasang mapangisi rin sina Quinn dahil sa inasta ni

