KENDRIC'S POINT OF VIEW "Congrats pre, sa wakas na hanap mo na rin ang kakambal mo," sabi ni Dominic. Matanda lang siya ng ilang buwan sa amin pero pinanidigan niya ang pagiging kuya sa amin. Nakikipag biruan siya sa amin pero kapag nagkaproblema lumalabas ang pagiging Kuya niya. "Oo nga hindi ko akalain na mahahanap ko siya," sabi ko saka nilagok ang natitirang alak sa shot glass ko. Nandito kami sa bar para i-celebrate ang pagkahanap ko sa kakambal ko. "So, anong gagawin mo niyan next?" tanong ni Vladimir, may dalawa siyang babaeng katabi, dakilang babaero iyan at ayaw niya na isang babae lang ang kinakama niya Napapailing na lang ako sa kanya, bahala siya sa buhay niya, sigurado ako kakarmahin din 'yan kapag dumating ang babaeng mamahalin niya at kapag dumating ang araw na iyon hin

