THIRD PERSON'S POINT OF VIEW "Anong tingin mo kay Lennox?" sabi ng isang misteryosong lalaki sa kausap niya. Base sa kanyang pananamit masasabi mong isa siya sa mga mayayamang tao. "He's strong for a first year student," sagot ng kausap niya. Makikita mo rin sa pananamit niya na isa siyang mayaman. Tadtad din ng mamahaling mga singsing ang kanyang mga daliri. "Tingin mo madali natin mabibilog ang ulo niya?" tanong niya. "Sa pagkakaalam ko ay isa siyang commor, madali lang natin siyang mabibilog kung gagamitan natin siya ng pera. Walang sino mang commoner ang tatanggi sa napakalaking halaga ng pera." "Tama ka, madali lang natin siyang mapapaikot sa palad natin, hindi gaya nina Thuddeus hindi natin sila maloloko." "Pero baka mahirapan lang tayong kumbinsihin siya dahil kaibigan niya si

