CONSTANTINA'S POINT OF VIEW "Sigurado ka ba na uuwi ka na? Diba sabi ng doctor kailangan mong ma-confine ng isang linggo?" tanong ko kay Russel. Tatlong araw pa lang siya dito sa hospital ng sabihin niyang uuwi na siya. "Ayos lang ako, pwede naman akong magbed rest sa bahay. Nakakainip kasi dito pero pagnasa bahay ako pwede akong mag laro ng PS5 ko," sabi niya. "Sigurado ka?" tanong ko. "Oo naman," sabi niya. Bumuntong hininga naman ako. "Okay, katawan mo naman iyan. Ako na ang aasikaso ng pag alis mo." "No need, na asikaso na ng butler ko," sabi niya pagkatapos ay may biglang pumasok na lalaki dito. "Andiyan na pala siya." "Are you Mr. Lennox?" tanong nito sa akin. "Yes," sagot ko. "I'm Rix," sabi niya at nakipagkamay sa akin. "Thank you sa pag asikaso sa kanya." Umiling naman a

