THIRD PERSON'S POINT OF VIEW Sobrang gulat na gulat ang mga guro ng lowest section dahil nung pumasok sila sa classroom nila wala silang natanggap na prank mula sa kanila at mas nakakagulat pa na nakikinig lang sila sa lesson nila. Nung una akala nila may plano lang sila pero hanggang matapos ang kanilang klase ay wala silang nakuhang prank sa mga ito. "Nakakagulat 'yung mga lowest section, wala man lang silang ginawang prank kahit isa," sabi ni Jessica, isang science teacher. "Diba? Ang tahimik lang nila tapos nakikinig pa sila sa lesson ko," sabi ni Benedict, isang math teacher. "Anong nangyari sa kanila? Meron ba silang pinaplano?" sabi ni Paula, isang filipino teacher. "Hindi ko alam, bigla na lang silang nag iba," sabi ni Jessica. Kumalat ito sa buong school kaya usap usapan ng

