CONSTANTINA'S POINT OF VIEW Isang linggo na ang lumipas nung dumating ako dito, maraming nagbago naayos na kahit papano ang room may mga tanim na ito na bulaklak, napalitan na rin ang mga upuan at na paint na rin kaya wala na ang mga vandalism sa mga pader. Sa loob rin ng isang linggo malaki na ang improvement ng mga student ko, naiiwasan na nila ang mga bola at hindi na sila ganun hinihingal. "Good job," sabi ko habang pumapalakpak ng maiwasan nila lahat ng bolang bumabato sa kanila. "Ang bilis niyong mag improve." "Magaling ka kasing mag turo," sagot ni William sabay alis ng blindfold niya. "Nag guide lang ako sa inyo," sabi ko. "Kahit na ikaw pa rin ang dahilan kung bakit nagawa namin iyon kaya salamat," sabi ni Russel nahihiya pa siyang sabihin ang salamat. Nginitian ko naman siy

