CONSTANTINA’S POINT OF VIEW “Kumusta ka na diyan anak?” tanong ni Mama. “Ayos lang naman po ako Ma,” sabi ko. “Hindi ka pa ba uuwi anak?” tanong niya, bakas sa boses niya ang lungkot at pangungulila. “I’m sorry Ma, gusto ko mang umuwi pero hindi pa pwede ngayon,” malungkot na sagot ko. Napabuntong hininga naman siya. “Pasensya na anak, alam kong busy ka pero heto ako nag dadadrama sa ‘yo,” sabi niya. “It’s okay Ma, alam kong miss na miss niyo lang ako,” sabi ko. “Basta mag iingat ka lagi ha? Gusto kong umuwi ka ng maayos dito,” sabi niya. “Opo Ma,” sabi ko. Tatlong buwan na ang lumipas ng dumating ako dito pero hanggang ngayon wala pa rin ang nakikitang kakaiba dito. Gusto ko mang matapos agad ito kung wala namang pinapakitang kakaiba ang school magtatagal ako dito. Ilang oras pa

