CONSTANTINA'S POINT OF VIEW Pagkatapos kong magbihis pumasok na ako sa elevator, limang na botton ang nakita ko, isang 1 means para dito sa floor na ito, U1, U2, U3 at U4, U means underground gaya ng elevator sa underground arena. Bigla ko tuloy na miss bumalik doon, kapag natapos ko ang mission na ito iyon ang unang pupuntahin ko. Gaya ng sinabi ni Quinn pinindot ko ang U1, ilang minuto lang nakarating na rin ako doon. Pagbukas bumungad sa akin ang isang field kung saan kasalukuyang tumatakbo ang mga member. "Nandito ka na pala," sabi ni Quinn ng makita ako. "Mag stretch ka muna then tumakbo ka rin gaya nila, limang round." Tumango lang ako tsaka sinunod ang sinabi niya, after kong mag stretch nag jog na ako papunta sa field. Malayo sa pwesto ko ang ibang member, kita ko na ang iba ay

